^

Pang Movies

TV host ibinuko, bagong manliligaw ‘di raw tuloy makapasok; Kris magdamag daw binulabog ni Herbert sa text at tawag

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kahapon ay may rebelasyon na naman si Kris Aquino sa episode ng kanyang Kris TV. Bagama’t hindi niya binabanggit ang pangalan ni Mayor Herbert Bautista, obvious na ito ang tinutukoy niya na tawag pa rin nang tawag at text nang text gayung nakipag­hiwalay na raw ito sa kanya.

Kwento ni Kris, hindi raw tuloy makapasok ‘yung isang guy na tatawag sa kanya dahil sa katatawag ni Bistek.

“Ito ‘yung totoo, may feeling ka, may ibang tatawag. Sa kakatawag nito, hindi makakapasok ang isang tatawag kasi tawag nang tawag. Kung ayaw mo na ‘yung tao bakit ka pa tawag nang tawag?” say ni Kris.

Kwento pa ni Kris, magdamag daw talagang tawag nang tawag ang taong ‘yun at panay din ang text. Nakalagay daw sa text, “talk to me even for just 1 minute.”

Dinedma pa rin daw niya pero tawag pa rin daw ito nang tawag. Nagtext daw siya ng “I saw the missed calls. I’m purposely ignoring you. Please stop.”

Pero sige pa rin daw sa katatawag.

“Naki-break ka sa tao tapos ‘yung person medyo okay na, may iba nang mga ini-entertain, bakit ka tatawag nang tatawag at manggugulo pa?”

Kris was asking her camera man dahil gusto niyang malaman ang sagot sa kanyang mga tanong from a male’s perspective.

“From a male perspective, bakit ka tatawag nang tatawag buong gabi eh ayaw ka naman nang kausapin? Bakit ka tatawag pa?” tanong ulit ni Kris.

Sagot ng camera man, “may pagtingin pa po” at ikinatuwa naman ito ni Kris.

Nag-comment si Shaina Magdayao na complicated daw ang sitwasyon nila at mahirap daw ‘pag magulo talaga.

“’Yun nga eh, kasi meron namang mas simple. If you have options na mas masaya, mas simple, ba’t ‘di mo pipiliin ang mas simple at mas masaya?” say pa ni Kris.

 

Tambalang Coco at Kim patok na patok

Base sa inilabas na data ng Kantar Media, ang Ikaw Lamang ang nangungunang te­le­serye ngayon sa Primetime Bida.

Consistent sa number one postion ang Ikaw Lamang sa loob na ng isang linggo.

Kami man ay naniniwalang worthy ang serye na maging number one sa primetime. 

Wala kaming masabi sa consistent flow ng story nito. Mabilis ang takbo ng kuwento.

Pagdating sa aktingan, bow kami sa lahat as in lahat ng cast. Mula kina Coco Martin, Kim Chiu, Jake Cuenca, at Julia, wala kaming masabi sa husay nila. 

 

Janine nag-effort sa sapatos ni Elmo

Isang pares ng Nike running shoes ang natanggap na birthday gift ng young actor na si Elmo Magalona mula sa ka-loveteam and rumored girlfriend na si Janine Gutierrez as he turned 20 last Sunday.

Ayon kay Elmo, naikwento lang daw niya minsan kay Janine na may matagal na siyang hinahanap na pair of running shoes at hindi niya akalaing natandaan ito ng young actress.

 â€œNahanap niya for me na hindi ko alam. Mahirap kasi makakuha talaga ng ganun na maganda ang design pero nakakita siya, limited edition pa and parang nga­yon ko lang nakita ‘yung kulay na ‘yun,” he said nang makatsikahan namin siya sa pocket presscon kahapon.

Naging masaya at very memorable ang 20th b-day ni Elmo last Sunday kahit na nagtatrabaho siya that day. Maganda kasi ang takbo ng career niya ngayon kaya kahit walang malaking celebration ay masayang-masaya na siya.

vuukle comment

COCO MARTIN

DAW

ELMO

IKAW LAMANG

KRIS

NANG

TATAWAG

TAWAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with