^

Pang Movies

May taning na pero nawala ang sakit, babae pinagmilagruhan ni Blessed Pope John Paul II

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Isa sa pinakamalaki at importanteng event ang magaganap sa Linggo ng umaga (sa ating bansa), ang canonization rites nina Blessed Pope John Paul II at Blessed Pope John XXIII, sa St. Peter’s Square sa Roma.

Dadalo ang mula 4 to 5 million doon at sinisikap ni Pope Francis na maging maginhawa ang mga deboto mula sa Poland (bayan ni Pope John Paul II) at Italya, pati iba’t ibang bansa sa Europa, Asia, at Amerika.

Kanya-kanyang team na mula sa ating mga TV networks para sa coverage, kaya mapapanuod natin ng live ang seremonya.

Nakausap na ng mga Pinoy journalists ang Costa Rican na pinagmilagruhan ni Pope John Paul II, si Floribet Mora, na wala ng pag-asang mabuhay nang nanalangin sa magiging ganap na Santo this Sunday, at biglang nawala ang kanyang sakit sa brain aneurysm. Pinatunayan ito ng mga doctor na pinauuwi na siya sa bahay mula sa ospital, upang doon na maghintay ng pagpanaw.

Carla biglang ipinagtanggol si Geoff

Masaya nang nakakausap si Carla Abellana na nagsasabing naka-move on na siya sa break-up with Geoff Eigenmann, with the help of her relatives and friends.

Ang salaysay ng aktres madalas ang kanilang ‘di pagkakaunawaan ni Geoff sa loob ng apat na taon nilang relasyon. Madalas ang kanilang away, mahirap resolbahin.

Pilit namang ikinaila ni Carla na nagkaroon ng relasyon sila Geoff at Kylie Padilla, noong panahon ng kanilang relasyon ng dating boyfriend.

Mga OFW sa HK nabunutan ng tinik dahil kay Mayor Erap

Successful ang naging misyon ni Manila Ma­yor Joseph Estrada sa Hong Kong. Maayos ang naging pag-uusap ng magkabilang panig at tinanggal na ng Crown Colony ang travel ban against our country.

Siyempre luluwag muli ang mga patakaran tungkol sa mga OFWs sa Hong Kong.

Mawawalan ng kita, madedemanda pa!

Maraming artista mas gustong single muna

Imposibleng aminin ng mga artistang matatag ang relasyon, na sila’y kasal na. Madedemanda sila ng breach of contract ng mga kumpanyang kinuha silang commercial endorser.

Tulad nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, mawawala rin ang milyones sa kanila kapag natigil ang kanilang pag-aanyunso ng mga produkto at serbisyo.

Kung meron mang secret marriage, tiyak na hinding-hindi nila gagawin, dahil pinangangalagaan ang kanilang career.

Love triangle sa beki, talamak sa showbiz

Kahit pala alam ni misis ang relasyon ng kanyang mister sa very rich beki, pinapayagan niya. Ilang taon na rin siyang nagbubulag-bulagan, kahit kung minsan ay natatakot siyang higit na nalalapit sa donyang beki ang pagtingin ng kanyang mga anak, sa “business” partner ng kanyang husband.

Naku, marami ng mga kwentong ganyan sa showbiz. Nagbinata at nagdalaga na nga ang mga anak, tuloy pa rin ang harmonious relationship ng unusual triangle.

Janet Napoles mukhang pa-easy easy na lang sa kanyang mga kaso

Nadagdagan pa ang listahan ng mga senador na nasa listahan ng pork barrel scam ni Janet Napoles. Naging 12 senador na ang diumano’y sangkot sa iskandalo, pero ayaw pang mag-enumerate.

Meron pa kayang taga-showbiz sa bagong list? Si Napoles naman mukhang relax lang sa GMA TV interview at tila bale-wala ang bilyones na binibintang na hinakot niya at ng mga kasabwat.

Mga ‘alagad’ ni Kris, tiyak na magpapa-iksi rin ng mga buhok

Mahigit one foot ang pinaputol ni Kris Aquino sa kanyang bagong parlor na Jing Monis Salon. Ewan kung nasawaan ‘yon dahil nasanay kami kay Beny’s sa my Requezens, Sta. Cruz, Manila, kung saan nagpapaayos ang mga bituin ng Premiere Productions at Sampaguita Pictures.

Maraming mga fans ni Kris ang magpapaiksi rin ng buhok, kaya dudumugin ang mga beauty shops.

vuukle comment

BLESSED POPE JOHN

BLESSED POPE JOHN PAUL

GEOFF

HONG KONG

JANET NAPOLES

POPE JOHN PAUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with