^

Pang Movies

Para hindi na guluhin ng legal wife, starlet binigyan ng bahay at kabuhayan ng sugar daddy sa probinsiya

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Binigyan na pala ng kabuhayan sa malayong probinsiya ng rich sugar daddy ang kanyang kerida. Noon kasing sa Kamaynilaan pa nakagarahe ang kept woman, madalas sugurin ng misis at daughter ni mister!

Tiyak na hindi na magbibiyahe ng malayong lugar ang tunay na maybahay, para lang iskandaluhin ang higit na bata at sexy na kabit ni sir. Buti na lang hindi nagkakaanak ang sexy. At mukhang naharang na rin ang pagbibigay ng TV o movie guestings sa starlet upang hindi na makaluwas ng siyudad. Kapag kasi nasa malapit na lugar ang aktres, hindi mapakali at nag-iiba ang mood ni misis.

Erap tagumpay sa biyahe sa HK

Ang claim ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sarili niyang desisyon ang personal na humi­ngi ng paumanhin sa Hong Kong government tungkol sa matagal nang hostage crisis.

Siya mismo ang nagpunta sa Hong Kong mission at tiyak na may bitbit siyang sariling TV coverage crew. Lahat kasi ng mga activities ni former Pres. Erap, sinusubaybayan ng media, pati na sa showbiz division.

Malay natin kung magkakaroon pa ng TV special ang nasabing mahalagang misyon.

Pacman ayaw pang karerin ang mas mataas na posisyon

Sa pagkabawi ni Rep. Manny Pacquiao ng Sarangani sa WBO Welterweight championship, nabuhay ang mga speculations na tatakbo for higher post ang Pinoy champ, sa susunod na eleksiyon.

 â€œHuwag muna natin isipin yan,” sagot niya sa mga kumukulit. Sa ngayon kasi, marami pa siyang dapat asikasuhin, tulad ng mga back taxes na dapat niyang bayaran. Bilyones ang nasabing utang!

Mommy D. hinahabol pa rin ng mga manliligaw

Nagtapat si Mommy Dionisia na ma­ra­mi pa siyang manliligaw hanggang ngayon. At 65 years old, ayaw pang pansinin ng mader ni Pacman ang mga may kursunada sa kanya.

Siguro sapat na sa kanya ang minsang mabigo sa pag-ibig. Magbilang na lang siya ng pera at asikasuhin ang kanyang negos­yo.

Lovi at Rocco ‘nagtrabaho’ lang sa Paris

Sana huwag nang bigyan ng ibang kulay ang biyaheng-Paris nina Lovi Poe at Rocco Nacino. Tiyak naman trabaho lang ang kanilang France sojourn at nothing more.

Kilala na natin si Lovi kung gaano ka-faithful sa kanyang tunay na mahal. Kung minsan nga ang aktres pa ang gumagawa ng motibo with her movie/TV partner. Pero hanggang doon lang parati.

Kung sino ang current partner niya sa isang project, ibang playtime na.

Pauleen nairita sa tanong kung nagsisiping na sila ni Bossing

Naiirita si Pauleen Luna tungkol sa issue kung alam ng kanyang manager kung magkasama sina Bossing Vic at Pauleen sa isang kwarto noong nasa U.S.A.

Alam naman natin na may relasyon ang dalawa. Kaya hindi na dapat nagtatanong ng alanganin.

 

vuukle comment

BOSSING VIC

ERAP

HONG KONG

KUNG

LOVI

LOVI POE

MANILA MAYOR JOSEPH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with