^

Pang Movies

Jennica ayaw sa kissing scenes kaya inayawan ng Kapuso

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Naging honest si Jennica Garcia sa pagsagot  sa tanong ng ilang entertainment press na dumalaw sa taping nila ng Carmela sa Malolos, Bulacan.  Matagal na kasing nasusulat na hindi na ni-renew ng GMA Network ang contract niya sa kanila at ngayon lamang siya nakausap kaya hiningi ang sagot niya.

“Yes po at nalulungkot ako,” at napaiyak na si Jennica.  “Seventeen years old pa lamang ako nang mag-start ako sa GMA at seven years na ako rito kaya at home na ako sa mga kasama ko rito kasi nakatrabaho ko na halos lahat ng mga artista at production staff ng network.”

 Ano kaya ang dahilan bakit hindi na siya ni-renew ng GMA?

 â€œSiguro po dahil marami akong limitations, ayaw ko po ng kissing scenes at love scenes, ayaw ko ring magpaka-daring sa character na ibinibigay nila sa akin.  Talagang hanggang sa acting lamang ako, hindi rin po kasi ako marunong kumanta at sumayaw.  Hindi rin ako managed by GMA Artist Center, ang manager ko po si Tito Manny Valera.  Wala po naman akong tinatanggihang role, pumayag na nga ako sa mother role and I give my best naman sa roles na ibinibigay nila sa akin.

 â€œNaniniwala naman po ako na may ibang plans sa akin si Lord. May plano po yata si Tito Manny na ilipat ako sa TV5, at makasama na ang boyfriend ko, si Alwyn (Uytingco) pero sabi ko, sabihin na lamang sa akin ng manager ko kapag may final decision na siya, pero gusto ko pa rin na sana kunin ako uli ng GMA.”

Biniro tuloy si Jennica kung totoo na magpapakasal na sila ng long-time boyfriend na si Alwyn, hindi raw totoo, wala pa silang napag-uusapan tungkol doon. 

“Mauuna po munang magpakasal sa amin si mama (Jean Garcia).” 

Bagong endorsement ni Marian bubulaga ngayong Easter

Happy Easter, everyone!

Tuloy pa rin ang pagdating ng mga blessings kay GMA Primetime Queen Marian Rivera.  Ngayong Easter Sunday, mapapanood na ang TV Commercial ng isang brand of shampoo based in Japan, na ini-endorse ng aktres.  Fifteen-seconder lamang muna ang mapapanood na cross over sa ibang network, hindi lamang sa Sunday All Stars, dahil gusto ng manufacturer na maipalabas ito ng Easter Sunday bago ang formal launch next month. Bongga ang TVC shoot na ito ni Marian na ginawa sa Laiya Beach in Batangas.

May dalawa pang “B” products na ii-endorse si Marian.

vuukle comment

AKO

ALWYN

ARTIST CENTER

EASTER SUNDAY

HAPPY EASTER

JEAN GARCIA

JENNICA

JENNICA GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with