^

Pang Movies

Solenn tinodo ang pagluluka-luka kay Vhong

Pang-masa

MANILA, Philippines - Para sa kanyang kauna-unahang pelikula sa Star Cinema, tampok ang seksing aktres na si Solenn Heussaff sa Da Possessed – ang pinaka-malaking comedy movie na mapapanood ngayong summer season. 

Kilala at hinahangaan si Solenn dahil sa kanyang angking ganda at sobrang seksing katawan. Si Solenn ay isang Filipino-French VJ, model, make-up artist, at fashion designer at gumawa siya ng splash sa entertainment industry nuong 2010 bilang isang aktres at TV host at pinasok din niya ang music industry bilang isang mang-aawit at recording artist. Ilang pelikula na rin ang pinag-bidahan ni Solenn at kitang-kita sa kanyang mga pelikula ang kanyang angking talino bilang isang aktres. Nakapag-establish din Solenn ng isang solid at loyal na fan-base na hangang-hanga sa kanyang bersatilidad at senswalidad bilang isang aktres.

Maaring abangan ng mga tagahanga ang nakakalokang side ni Solenn sa Da Possessed kung saan nakipagtambal siya kay Vhong Navarro sa kauna-unahang pagkakataon. Dinirehe ng box-office director na si Bb. Joyce Bernal at sinulat ni Ice De Guzman, joint project ng Star Cinema at Regal Films ang Da Possessed.

Umiikot ang pelikula sa kakaibang istorya ng ordinaryong si Ramon na nagbalak pumasok sa larangan ng landscape art. Maiinlab si Ramon sa kanyang seksing boss ngunit magsisimula ang mga problema ng biglang siyang sasapian ng mga espiritu mula sa ibang mundo na siyang umpisa ng mga nakakabaliw at nakakalokang mga pangyayari.

 â€œNapakasaya pong katrabaho ni Solenn at para sa akin isa siyang talented at promising na komedyana,” ayon kay Vhong na nagbabalik pelikula sa Da Possessed. “Mahusay ang kanyang timing sa comedy at napaka-natural sa kanya na mag-deliver ng linya at gawin yung nakakatawa. Sobra akong impressed sa kanya.” 

Si Direk Joyce Bernal naman, na siyang nagdirehe ng Mr. Suave (2003), (2005), and Agent X44 (2007) – tatlo sa pinaka-iconic at pinaka-matagumpay na pelikula ni Vhong, ay manghang-mangha sa bonggang pagganap ni Solenn. “Napaka-seksi at senswal ni Solenn pero nananatili pa ring wholesome ang kanyang imahe. Napakagaan niyang katrabaho. Lahat ay kasundong-kasundo ni Solenn. Maganda ang rapport nina Vhong at Solenn bilang mga aktor at mararamdaman talaga sa sinehan ang kanilang chemistry. Hindi niya sineryoso ang kanyang sarili sa pelikulang ito at dahil dito, lalo siyang naging maganda at nakakatawa sa paningin ko.”              

Ang kanyang co-actor naman na si John Lapus ay bumilib din kay Solenn. “Effortlessly hilarious siya. Sobrang rebelasyon ang comedic performance niya pelikulang ito. Wala siyang ka-kiyeme kiyeme sa mga comedic scenes niya. Talagang nagluka-lukahan si Solenn at tumodo talaga siya rito.”    

Si Solenn naman ay sobrang thrilled na makatrabaho ang Star Cinema sa unang pagkakataon, “Isa po ito sa mga major milestones sa aking career,” sabi ni Solenn. “Napakalaking karangalan po na makatrabaho ko sina Vhong, Direk Joyce, at Star Cinema sa awesome project na ito.” 

Ipapalabas ang Da Possessed sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula ngayong Abril 19.

 

vuukle comment

DA POSSESSED

DIREK JOYCE

KANYANG

SI SOLENN

SOLENN

STAR CINEMA

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with