^

Pang Movies

Isabel at John hindi pa puwedeng magpakasal, boyfriend ‘nakatali’ pa sa iba

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ang ganda-ganda pa rin ni Isabel Oli nang ma­kita namin siya last Sunday sa launching ng kanyang bagong endorsement, ang Sophie Paris na isang fashion direct-selling company. Sa true lang, mukha pa rin siyang Barbie doll na siyang trademark niya ever since.

Kinantiyawan nga siya ng entertainment press na kakaiba ang glow niya ngayon at mukhang masaya siya talaga with John Prats unlike sa mga dati niyang naging boyfriend.

Natawa na lang si Isabel pero aminado naman siyang happy and content siya sa kanyang love life at feeling niya raw talaga, si John na ang “the one”.

“Iba, eh. Mararamdaman mo ‘yun, eh. Basta iba,” she said.

Simula nang aminin nila ang relasyon nila ni John, people keep asking them kung kailan ang kasalan. Hindi lang daw mga reporters ang nagtatanong kundi pati na mga friends nila at maging ang kani-kanilang mga pamilya. Everybody’s looking forward na sa kasalan at say ng aktres, sila rin naman daw ng boyfriend.

Aminado si Isabel na ready na sila pareho ni John to settle down. She’s 32 and he’s 30, more than the right age to get married.

Pero say ni Isabel, hindi pa raw sila puwedeng pakasal this year at kahit next year. May mga kontrata pa raw na napirmahan lalo na sa parte ni John.

Hindi naman daw sila nape-pressure na hinihintay na ng lahat ang kasalan. In fact, masaya nga raw sila at maging sila ay pinag-uusapan din ito.

“May mga pag-uusap na “dapat, ganito ang wedding, dapat ganito kasimple,” ganyan-ganyan. Mga ganyan lang. Things like kung anon’g klaseng gown, sino ang magde-design, ganu’n lang.”

So, ang kulang na lang talaga ay proposal?

Napahagikgik si Isabel. “Oo, kulang na lang ay proposal at saka date kung kelan pero hindi pa talaga ‘yan ngayon.”

Dahil Christian si Isabel at napaka-relihiyosa, lagi raw niyang ipinagpe-pray na sana ay si John na talaga ang lalaking itinakda sa kanya na makasama niya for the rest of her life.

Samantala, happy and proud si Isabel na siya ang napili ng Sophie Paris na maging endorser.

“Sa sobrang ganda ng brand, minsan, parang nakaka-tense,” natatawa      niyang say.

“But at the same time, I’m really happy na ako pa ang napili sa lahat, sobrang blessing talaga for me.”

vuukle comment

AMINADO

BARBIE

DAHIL CHRISTIAN

ISABEL

ISABEL OLI

JOHN PRATS

LANG

SOPHIE PARIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with