^

Pang Movies

Jennylyn nagka-infection sa sobrang baho ng Manila Bay

- Vinia Vivar - Pang-masa

Magaling na si Jennylyn Mercado at nakalabas na sa St. Lukes Medical City last Saturday kung saan ay na-confine siya ng ilang araw dahil sa acute upper respiratory tract infection. Dalawang taping days ding hindi nakatrabaho si Jen ng serye niyang Rhodora X dahil dito.

Last Thursday ipinasok ng ospital si Jen dahil sa sobrang sakit ng ulo at buong katawan. Papunta siya sa Rhodora X taping nang araw na iyon pero hindi niya kinaya dahil inapoy na rin siya ng lagnat na uma­bot sa 40 at nagsimula na rin siyang mag-chill.

Sa halip ay dumiretso na siya sa St. Luke’s sa E. Rodriguez at pagdating doon ay diretso siya sa isolation room.

Hindi na siya pinayagang makalabas dahil on and off ang lagnat niya and ‘yun nga, it turned out na may infection pala siya.

Nakuha ni Jen ang viral niya sa Manila Yatch Club sa isang endorsement event niya. Sobrang sangsang at mabaho raw sa lugar at nalanghap niya lahat ‘yun.

Actually, dalawa sila ng driver niya na naospital dahil nasinghot nila ang lahat ng baho ng Manila Bay.

Dapat sigurong bigyan ng pansin ng gobyerno ang natural habitat natin. Paging Mayor Joseph Estrada…

Anyway, bukod sa kanyang Rhodora X na puring-puri ng televiewers, naghahanda na rin si Jen sa launching ng album niya under GMA Records. Isasabay na raw ang album launch sa kanyang 27th birthday on May at celebration na rin ng kanyang 10th anniversary in showbiz.

Empress nagpa-empress sa MMK

Nag-trending si Empress last Saturday night sa Twitter dahil sa impressive performance niya sa Maaalala Mo Kaya kung saan ay kapareha niya si Joey Marquez.

Highlight scene ni Empress ang breakdown scene niya with Tsong kung saan ay nalaman na niya na may asawa ito at niloko lang siya.

Talaga namang pinuri siya nang husto ng kanyang mga followers sa Twitter sa nasabing eksena at may isa ngang nagkomento na inulit-ulit daw niya ang scene na ‘yun.

Masayang-masaya naman si Empress sa mga papuring natanggap sa kanyang Twitter and Instagram account.

She tweeted: “Thank you for making me trend sa MMK again guys! Super love you all! Salamat #Mmk sa tiwala!”

Sa nasabing MMK episode, minsan pang pinatunayan ni Empress na siya talaga ang Empress of Drama ng ABS-CBN. Request nga ng kanyang mga fans, sana raw ay more projects pang tulad nito para sa kanilang idolo.

One follower also commented na “please stay sa Kapamilya” dahil napapabalita nga lately na lilipat siya ng network.

Well, the latest we heard, Empress is staying as Kapamilya.

Hindi po siya lilipat sa ibang network.

Becky Aguila may pa-summer workshop

Dahil summer na naman, gustong i-announce ng talent manager na si Becky Aguila na start na naman ng summer workshop ng Becky Aguila Entertainment & Marketing Services.

For those interested, please call 932-82-61. Magsisimula ang workshop right after Holy Week, April 21.

 

vuukle comment

BECKY AGUILA

BECKY AGUILA ENTERTAINMENT

DAHIL

EMPRESS

HOLY WEEK

JENNYLYN MERCADO

NIYA

RHODORA X

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with