^

Pang Movies

Mga kasinungalingan at panlilinlang mabubunyag na

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagbabayaran ni Dr. Ramon Mendoza (Marvin Agustin) ang halaga ng kanyang kahibangan para kay Bernadette (Bianca King/Neri Naig) sa pagtatapos ng psycho-drama series ng TV5 na Obsession ngayong Huwebes (April 10). Mabubunyag ang mga kasinungalingan at panlilinlang lalo pa’t mahuhuli ng mga pulis ang pangunahing kasabwat ni Ramon: Ang kanyang inang si Regina (Elizabeth Oropesa). Hihingi ng tawad si Regina kay Bernadette at sasabihing ginawa niya lang ang lahat para protektahan ang kanyang anak.

Samantala, malalaman din sa pamamagitan ng DNA test na ang lalaking may mukha ni Ramon na nasa kustodiya ng pulisya ay walang iba kundi si James (Martin Escudero). Pinahirapan at inoperahan ni Ramon si James upang mapagpalit ang kanilang mga mukha. Ngayong nabunyag ang lahat ng kahayupan ni Ramon, magtatago ang doktor habang nagplaplano ng kanyang paghihiganti kay Bernadette. Matatakasan kaya ni Bernadette ang kahibangan ni Ramon?

Huwag palampasin ang pinakaaabangang pagtatapos ng Obsession ngayong Huwebes, 8 p.m., sa TV5.

vuukle comment

BERNADETTE

BIANCA KING

DR. RAMON MENDOZA

ELIZABETH OROPESA

HIHINGI

HUWAG

HUWEBES

MARTIN ESCUDERO

MARVIN AGUSTIN

NERI NAIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with