^

Pang Movies

Radio/TV personality namatay sa malnutrisyon sa sobrang kakuriputan

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Noong biglang mamatay ang isang sikat na radio/TV personality-columnist ay kumalat ang siyete na A.I.D.S. ang dahilan. Nagbakasyon kasi sa States ang aming kumare at nagpasasa doon. Mahigit isang taon pa lang ang nasabing pamamasyal at hindi naman ganoon kabilis sa katawan ang mikrobyo ng H.I.V.

Bukod sa kanyang tunay na sakit, kulang sa sustansiya ang kanyang mahinang katawan. Kaya iginu­po siya agad ng karamdaman. Sa sobrang tipid kasi madalas galunggong (prito, pinangat, sarsyado, at iba pang luto) ang kanyang kinakain.

Nakakagulat pero punung-puno ng masasarap na pagkain ang kanyang ref, sa tuwing pupunta kami sa bahay niya. Say ng mga kasambahay, ayaw ipakain kahit kanino ang mga natatanggap na regalong pagkain. Nakatambak lang sa ref at tila nabubusog na siya kapag tinititigan!

Sa tipid nga ng aming friend, nakapagtayo ng sariling college sa kanilang probinsiya! Pero pumanaw naman agad siya.

Coco tumangging magpa-cute

Inalok pala ng kanyang network si Coco Martin ng isang romantic-co­me­dy, after the top rating Juan dela Cruz. Mala-Be Careful With My Heart ang dapat kasunod niyang palabas.

Tinanggihan ng aktor ang offer. Higit kasing at home si Coco sa drama, kaya ayaw na muna niya ng mga pa-cute na love story.

Kailan naman kaya gagampanan ni Coco Martin ang isang gay role tulad ng mga character na nag-hit kina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa television?

Naku, baka never! Siyempre ayaw naman ng kanyang mga manager na masira ang image ng isang Coco Martin.

Fiancé ni Bianca alanganin ang mga sagot sa kasal at pag-aanak

Umaasa si JC Intal na matuloy ang kanilang kasal ni Bianca Gonzales this December.

Tila wala pang definite plan?! Kung sakali, huwag naman sanang isa lang publicity stunt ang announcement ng kanilang engagement at nalalapit na kasal.

Kahit sa mga tanong ng pagkakaroon ng baby, alanganin pa rin ang sagot ni Intal. Pag-uusapan pa raw nila ni Bianca. Saan kaya gagawin ang usapan?

Aktor walang tumatagal na relasyon sa girls, kapit na kapit kasi sa mga bakla

Biglang naglaho ang macho actor matapos ang away niya sa isang sexy starlet. Ang chika, nag-join sa kanyang rich gay benefactor ang artista at doon sila nagpapalamig sa abroad.

Ito kasing popular hunk, mahilig ma-link sa mga nakakasamang starlet sa mga teledrama. Kaya lang wala naman siyang tumatagal na relas­yon with girls. Sa mga gay, subok na ang kanyang loyalty.

Bakit kaya higit siyang minamahal ang mga kafatid? Simple ang sagot: Datrills at marami pang datrills.

James hindi maipinta ang mukha sa pinagsasabi ni Kris

Please don’t ask kung bakit tila hindi maipinta ang mukha ni James Yap, habang nakatingin sa umiiyak na si Kris Aquino, noong magkita sila with James “Bimby” Yap, Jr.

Pinahayag naman ni Kris na masayang-masaya that moment. Magkasundo na sila ng tatay ng kanyang anak at sana manatili na ang maayos na pagsasamahan for the sake of their growing up son.

Habang lumalaki kasi ang bata, higit na dumarami ang mga question mark sa isip. Ngayon, magkatulong na sina Kris at James sa pagpapaliwanag.

Angel nagpapaalala na ikakasal na si Jericho

Alam naman ni Luis Manzano na sobrang in love sa kanya si Angel Locsin kaya balewala sa boyfriend ang mga maseselang tagpo ng aktres with Jericho Rosales sa teledrama.

‘‘Naku, ikakasal na si Jericho,’’ Angel pleaded na huwag na silang intrigahin.

Obvious na nagtatrabaho lang ang dalawa kaya huwag nang bigyan ng masamang kahulugan ang mga eksena sa harap ng camera.

Kung sa labas ng taping natin makikita na sweet sina Angel at Jericho, saka na tayo mag-react. Mag-react daw oh!

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BIANCA

COCO MARTIN

KANYANG

KAYA

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with