^

Pang Movies

Anne balik-dagat na naman

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nakalabas na ng hospital si Anne Curtis noong Sunday at kahapon (Monday) ay nag-resume na siya ng taping ng Dyesebel.

Nag-post si Anne sa kanyang Twitter account last Sunday night expressing her happiness na finally ay na-discharge na siya sa ospital after several days of confinement due to jellyfish sting.

 â€œFinally! I’m out! Thank you to all the Doctors & Nurses that took great care of me! See you all later this week for my check up,” tweet ni Anne.

Pinasalamatan din ni Anne ang mga taong nag-alala sa kanya at nag-wish ng kanyang maagang paggaling.

 â€œThank you for all your prayers and wishes! Most importantly, Thank you Lord for saving me and being with me during one of the scariest moments in my life. It has opened my eyes and has put things into perspective. I certainly feel lucky and blessed.

“Thank you to all the visitors that came to visit & everyone that sent their get we’ll soon messages. Thank you,” tweet pa ni Anne.

Pinaalalahanan din ni Anne ang lahat na mag-ingat sa pagsu-swimming at iwasan ang mga sea creature.

“This summer be careful while swimming sweethearts. Remember the ocean is the natural habitat or these sea creatures. So, it’s our responsibility to try & avoid them, to keep an eye out & be careful,” she said.

Anyway, aside from Dyesebel, pinagkaabalahan din ng aktres ang kanyang nalalapit na major concert na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum, ang The Forbidden Concert: Annekapal on May 16.

Lance pinairal ang kabaitan, trainor ni-request na ibalik sa trabaho

Humanga naman kami sa kabaitan ni Lance Raymundo nang makiusap siya sa management ng gym na ibalik sa trabaho ang trainer na naka-cause ng accident niya kamakailan.

Matatandaang nabagsakan ng barbell ang mukha ni Lance habang nagwo-workout siya sa gym nang aksidenteng mai-release ito ng kanyang trainer.

Nawasak ang mukha ni Lance at kinailangan pang sumailalim sa face reconstruction para maibalik ito sa dati.

Natanggal sa trabaho ang trainer niya pero si Lance mismo ang nakiusap sa management ng gym na i-rehire ito.

“Nakiusap kami kasi siyempre ’yung trainer na ito, ito ang kabuhayan niya. He has kids and may mga anak na pinapa-aral. Hindi naman niya kagustuhan na maaksidente ako so, talagang nakiusap ako na i-absorb ulit and, of course, mag-impose na lang sila ng stricter quality control. I’m happy to announce na nabalik naman sa kanya ang trabaho niya,” pahayag ni Lance sa kanyang panayam sa Umagang Kay Ganda.

At lalong hindi raw siya magsasampa ng kaso kahit marami ang nagsasabi na dapat niyang kasuhan ang trainer at ang gym.

“Dahil aksidente lang ito and ‘yung mga tao naman sa gym, doon ako for the past ten years and I’ve always had safe workouts and talagang ang aksidente mangyayari kahit nasa bahay ka and all. With that, hindi ako magsasampa ng demanda,” sabi pa ni Lance.

Natanong din siya kung nag-effort ba naman ang gym na tulungan siya sa expenses?

“Siyempre ‘yung daddy ko, right after the accident, nai-shoulder na niya lahat ng expenses. Sila naman they were kind enough to offer na tumulong although nagawa na naman namin lahat,” sabi ng singer-actor.

Ayon kay Lance, ang importante ay ang effort ng mga ito na tulungan siya.

Honestly, nakakatuwa ang kabutihang loob ni Lance. Kung naiba lang ’yan, baka inaway-away na ang gym at nag-demand na ng pera and all or kasuhan pa.

Pero si Lance, kitang-kita ang lawak ng isip niya na mas inintindi pa ang sitwasyon ng mga taong naka-cause ng accident niya kaysa sa kanyang sarili.

Bihira yata ang ganitong tao na may taglay ng ganitong kabutihan.

vuukle comment

ANNE CURTIS

DYESEBEL

FORBIDDEN CONCERT

GYM

LANCE

LANCE RAYMUNDO

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with