^

Pang Movies

Manager binayaran na sa buong kontrata sa promding discovery ng mayamang beki

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Nakayapak sa bukid at pilapil ang dating “barriotic” hunk noong hindi pa nag-aartista. Tunay na kahit pambili ng tsinelas ay can’t afford siya pero hindi naman siya naabot ni Korina Sanchez!

Noong una silang magkita ng talent manager, wala siyang pambayad sa isang recreational center kaya’t agad inilibre ang poging discovery. Iniluwas sa Maynila at isinali sa isang reality talent search. Wagi ang promdi at ngayon ay rich and famous na.

Meron na siyang koleksiyon ng maraming mamahaling sapatos, magarang kotse, at siyempre house and lot. Sa kanyang hitsurang mamahalin, madali siyang naka-attract ng rich gay benefactor.

Ang discoverer, binayaran ng lump sum upang bilhin ang managerial contract. Ang bading, nagtitiyaga ngayon sa isang discovery na baka sakaling palarin din.

Kim at Maja tunay lang magkakasundo kapag nakakita ng ibang babae si Gerald

Tumangging maniwala ang mga utaw (tao) na nagkasundo na nga sina Kim Chiu at Maja Salvador.

“Malaking kaplastikan!” say nila sa libu-libong miyembro ng Facebook at Twitter.

Reklamo pa ng iba, lumang balita na ’yan. Naku, hayaan na lang ninyo dahil hindi naman kayo ang makikipagplastikan. Palibhasa karamihan sa inyo ay mga reyna rin ng Tupperware!

Ang opinyon pa ng iba, magbabati lang sina Kim at Maja kung magkakaroon ng bagong girlfriend si Gerald Anderson at parehong magiging has been (girlfriend) ang dalawang dating matalik na magkaibigan.

Young actor na may taglay na malas problema kung paano tsutsugihin

Kahit sa mga young actor meron ding tinatawag na jinx o Mr. Malaysia (malas siya). Maganda na sana ang cast ng isang teleserye nang biglang isinali ang isang artistang hindi kumikita ang pelikula at nahihirapang mag-rate ang mga TV show na kasali siya.

Nataranta ang mga producer ng show nang inintriga sila tungkol sa aktor.

Big problem nila kung paano tsutsugihin sa palabas si Mr. Jinkee.

Maricel nakakaligtaang magaling na komedyante

Kahit mga satellite TV station ng mga network ay nagiging favorite ng mga televiewer. Lahat ng palabas sa Jeepney channel pawang mga replay pero tumututok kami sa istasyon kapag gusto naming mapanood uli ang show.

Madalas nga, ang mga na-miss naming palabas ang naka-line up.

John en Shirlee ang madalas naming abutan, starring the late Dolphy at Maricel Soriano, with no less than movie queen Susan Roces as support.

Maria is a terrific comedienne. Nobody from the so-called comedy queens and princesses can beat her. Perfect ang kanyang timing at pati ang dakilang master comedian na si Dolphy felt secured and just sat still and let Maricel do her own thing in the sitcom.

Sana mabigyan ng isang sitcom si Maria ng kanyang current home. Baka sakaling makalikha sila ng isang John en Marsha. Sayang at nasa ibang network na sina Ogie Alcasid at Michael V. na puwede niyang maging partner.

Komedyanteng si Flora Gasser iniwan na ng broadcaster na mister

Our condolences to Flora Gasser and family, whose husband ace anchor and multi-awarded broadcaster Harry Gasser passed away last April 3.

Harry was the main anchor of RPN-9’s Newswatch. He had several female partners but he remained the main attraction of the show.

His widow, Flora, is still one of the most in-demand character actresses in town. Both Harry and Flora are Cebuanos.

MTRCB rumoronda hanggang probinsiya

Tuloy ang Matalinong Panonood program ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at ang latest nilang naidaos ay sa Batangas City.

Nagkaroon din ng forum na para sa Matalinong Panonood ng Pamilya nina Juan at Juana sa Lyceum-Batangas sa pamumuno nina MTRCB Chair Eugenio Villareal at Batangas Gov. Vilma Santos-Recto.

 

vuukle comment

BATANGAS CITY

BATANGAS GOV

BOTH HARRY AND FLORA

CHAIR EUGENIO VILLAREAL

FLORA GASSER

MATALINONG PANONOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with