^

Pang Movies

Anak ni Gary V. 13 years old pa lang nakapanahi na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Habang sumasagot si Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa mga tanong tungkol sa coming concert niyang ARISE Gary V 3.0 sa Araneta Coliseum sa April 11 and 12 para sa kanyang 30th anniversary sa business, ang wife niyang si Angeli Pangilinan-Valenciano ang tinanong namin tungkol sa kanyang husband at tatlong anak. Ang eldest niyang si Paolo ay co-director ni Gary V. sa concert at abangan daw kung ano ang bagong pasabog ng anak sa concert. 

Ipinakilala sa amin ni Angeli ang girlfriend ni Super Selfie King Gab Valenciano na si Triccia Centenera, a model at nagtatrabaho with ANC ng ABS-CBN. May isang malaking balita raw kay Gab na gustong kunin ng isang French TV network na magaganap sa May pero ayaw munang i-divulge ni Angeli kung ano iyon. 

At ang bunso nilang si Kiana who will also guest in the concert ay gusto ring maging fashion designer. Thirteen years old pa raw lamang si Kiana noon ay nagpabili na sa kanya ng sewing machine. Recently, nagpabili na ito ng high-speed fashion machine at ngayon Kiana sews her own clothes. Soon gusto na rin ni Kiana na magkaroon ng sariling clothing line. Pero lahat ng mga anak nila ni Gary, hindi nalilimutan ang kani-kanilang music. Si Kiana ay may duet with Gary sa new ins­pirational album na With You.

 

Yasmien uunahin ang pagpapa-opera

Agad naming nilinaw kay Yasmien Kurdi ang tweet ng isa niyang fan/friend na kahit may pinagdaraanan siya, mahusay pa rin ang acting niya as Angela sa kanilang primetime soap na Rhodora X, with Jennylyn Mercado, Mark Herras, at Mark Anthony Fernandez, na napapanood gabi-gabi sa GMA 7 after ng Carmela. Susog na tanong tuloy sa kanya kung hiwalay na sila ng husband niya? 

Wala raw problema ang married life niya at medyo napaluha na si Yas­mien — ang cyst sa kanyang throat ang problema niya. Nagpa-check up daw siya agad nang kahit simple scene lamang na hindi naman siya sumisigaw sa pagda-dialogue, namamaos na siya. At iyon ang findings ng kanyang throat doctor.  Kailangan daw lamang maoperahan siya para maalis ang cyst at kailangan niyang mag-rest for one month after the operation para bumalik ang boses niya.

Kaya after daw ng taping ng Rhodora X, na may extension pang ilang weeks, uunahin na niya ang pagpapaopera. She loves singing daw, in fact may inihahanda nang bagong album ang GMA Records kaya kailangang bumalik ang boses niya.

vuukle comment

ANGELI

ANGELI PANGILINAN-VALENCIANO

ARANETA COLISEUM

GARY V

JENNYLYN MERCADO

KIANA

MARK ANTHONY FERNANDEZ

RHODORA X

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with