^

Pang Movies

Pacman naaliw sa mga sinabi ni Bill Clinton

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Tuwang-tuwa si Rep. Manny Pacquiao nang magkita sila ng former US President Bill Clinton nang sabay silang maging guest sa isang TV show.  Bukod sa nagkita sila, maganda rin ang mga sinabi nito sa kanya.

Ang Fil/Am na si Malaya Watson, na kasali sa Top 8 ng current season ng American Idol, gustong kumanta ng Pambansang Awit sa mga darating na laban ni Pacman. Sabi ng 16-year-old belter, madali naman niyang matutuhang kantahin ang Lupang Hinirang.

Anim na taong gulang pa lang si Malaya nang huli siyang mamasyal sa Pilipinas. Sabik na siyang makitang muli ang ating bansa.

Orlando Bloom natalbugan pa nina Joel Cruz at Manny Calayan sa Walk of Fame

Kahapon lang pala nabigyan ng star sa Hollywood Walk of Fame ang sikat na international star at favorite leading man na si Orlando Bloom! Very happy ang aktor sa ibinigay sa kanyang karangalan at kasama ang anak niyang lalaki nang pirmahan at unang nakita ang kanyang star.

Aba, naunahan pa pala nina Joel Cruz at Manny Calayan na magkaroon ng sariling stars sa local version ng Walk of Fame ni German Moreno si Bloom. Baka naman higit na sikat ang gumagawa ng pabango at cosmetic surgeon kay Orlando rito sa ating bansa!

Tutal sinabi ni German na siya lang ang gumagasta sa pagpapagawa ng star sa Eastwood, kaya wala tayong karapatan na siya ay panghimasukan sa kanyang mga desisyon kung sino ang ilalagay niya sa sariling fantasy avenue.

Religious film hindi na kinakagat ng makabagong moviegoers

Pati sa Hollywood at ibang film capitals of the world, bihira nang mag-produce ng mga religious epic. Bukod kasi sa malaking bud­get, hindi na gaanong popular ang ganitong genre sa mga mo­viegoer.

Palabas na sa bansa ang Son of God na tiyempo sa Kuwaresma ang playdate. Pero tila hindi gaanong napansin ang pelikula.

Choreographer napa-react, idiniing artistic director ang kanyang titulo

Isang showbiz character ang naka-headline sa isang article na siya ay isang sikat na choreographer! Naku, baka magalit ang girl dahil ayaw niyang pumayag na tawagin siyang choreographer.

Minsan kasi nakausap namin siya sa isang TV show launch at tinanong kung siya ay isang choreographer, dahil obvious naman sa suot niyang costume. Ang reaction niya, parang nainsulto!

‘‘I am the artistic director of my dance group,’’ pinagdiinan pa niya ang titulong gustong itawag sa kanya.

Ewan talaga kung minamaliit namin siya ng tawaging choreographer. Sa ating bansa kasi prestigeous at kapita-pitagan ang maging isang choreographer. Hindi tayo nasanay na tawagin silang artistic director, maliban na lang kung sa Cultural Center, Ballet Philippines, o Ballet Manila siya nagtuturo ng sayaw!

Aktres feeling endorser ng shampoo kahit hanggang sari-sari store lang ang poster!

Nag-celebrate ng anniversary ang isang shampoo. Sa isang sulok, may isang magandang aktres na bihis na bihis. Ang kanyang claim, isa siya sa mga naging endorser ng produkto.

Kaya lang tila hindi siya pinapansin. Parang hindi man lang siya natawag na rumampa sa stage.

Ang sabi naman ng mga matagal na rin sa nasabing kumpanya, naging model nga ang artista ng kanilang produkto pero sa mga sari-sari store lang na-display ang kanyang mga poster!

Kahit tutol si Robin, Kylie faithful kay Aljur

From the start kasi, tutol na si Robin Padilla kay Aljur Abrenica para sa kanyang anak na si Kylie Padilla.

Kaya hindi naman kataka-taka kung hanggang ngayon ay maraming luma­labas na negative statement from Binoe against her daughter’s boyfriend. Si Kylie naman, mukhang very faithful talaga. Ayaw nang mag-entertain ng ibang manliligaw.

Kung may mababalitang ibang nakakapareha si Kylie, higit nating maririnig ang kaukulang komento mula sa action superstar.

vuukle comment

ISANG

JOEL CRUZ

LANG

MANNY CALAYAN

ORLANDO BLOOM

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with