^

Pang Movies

Aljur nakatutok sa katawan, acting walang asenso

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Maganda ang mga lumalabas na publicity ni Aljur Abrenica dahil sa teleseryeng Kambal Sirena. Ipinakikita ang kanyang mga regimen on body-building at ang pagkahilig niya sa Muay Thai. Sa matipunong katawan ng aktor, bagay sa kanya ang combat sport from Thailand na sumikat sa buong daigdig.

Sa kanyang mga build-up article, walang masyadong nabanggit sa kung may mga bago siyang acting workshop for the romantic/fantasy.

Ang feeling naman ng fans ni Aljur, kayang-kaya niya ang role ng leading man ni Louise delos Reyes sa Kambal Sirena.

 

Beking artista tinakbuhan ang pinapapalitang tseke

Isang loan shark na nagka-cash ng post-dated checks ang galit na galit na hinahanap ang isang beking artista. Nakuha na kasi sa kanya ang pera ng bading pero hindi ibinigay ang tsekeng pinapalitan.

Hide and seek ang nangyari sa kanila at mahigpit umiwas ang bading. Kaya nakiusap ang nagpapalit ng tseke na idiretso sa kanya ang susunod na suweldo ng bading. Ang huli naming narinig, nakalimot ang kahera at naibigay uli ang suweldo ng baklesh na nagtatago pa hanggang ngayon!

 

Debut ni Julia ginaya ni Kathryn?!

Botong-boto ang parents ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla para sa kanilang anak na nag-debut party noong March 31.

Masayang-masaya ang pareha sa buong gabi, kaya ang tukso nila ay daig pa ng kasal ang okasyong ’yon. Ang ina ni Kathryn, diretso pang nabanggit ang tungkol sa love life na “pinapayagan” niya.

Hanggang ngayon, hindi pa nakikita ng publiko ang naging special gift ni Daniel para sa debutante.

Ang pintas naman ng fans ni Julia Montes, ginaya ni Kathryn ang caterer nang mag-debut si Julia. Wala namang nagreklamong guest tungkol sa masasarap na mga putaheng inihain sa Blue Leaf kaya okay lang.

Gusto talaga naming makita ang regalo ni Daniel na tila ini­lilihim pa. Kung mamahaling alahas ’yon, meron agad mag­re-research kung magkano ang presyo!

Janella mukhang aabot hanggang magkaanak sa Be Careful…

Matagal nang gumaganap na Nikki si Janella Salvador sa Be Careful With My Heart. Baka naman maipakita pa ang kanyang wedding at pagiging mother, bago matapos ang blockbuster tele­serye?

Sana naman mapanood namin ang talent ni Janella sa ibang teledrama. Super gifted kasi ang daughter nina Jenine Desiderio at Juan Miguel Salvador, kaya susubaybayan siya, kahit saang palabas mailagay.

Barely in her teens si Janella at very attractive ang kanyang personality nang ma-meet namin sa kanilang townhouse sa Makati City.

Tiyak na kapag tumagal pa siya sa showbiz, she will purchase her own place, to give her ample space to move and entertain fans.

 

Gary V. hirap kabugin ang acoustic album ni Noel

Mahirap kabugin sa No. 1 position ng Top 10 ang Acoustic Noel album ni Noel Cabangon. Kahit ang bagong With You ni Gary Valenciano ay nasa third position pa lang ng hit charts.

Maaaring kumilos ng husto ang mga maka-Gary this week at makita nating on top of the heap ang bago niyang release.

Would you believe that at least three Gary V. CDs are now among the bestsellers? Malayo pa naman ang kanyang birthday sa August!

 

Gwyneth sinisisi ng fans ng rock singer na mister na hiniwalayan

Matagal nagsama sina Gwyneth Paltrow at ang kanyang mister na rock singer na si Chris Martin, bago naghiwalay last week.

Higit na sinisisi ng fans ang Oscar-award-winning actress. Hanggang sa mga social media, binabatikos si Gwyneth ng mga galit na tagahanga.

Para sa aktres, life goes on at ginawa niya ang lahat for the long, failed marriage.

Inaabangan kung sino ang bagong lover ni Gwyneth na lilitaw sa Internet at sa mga gossip column.

vuukle comment

CENTER

GARY V

GWYNETH

JANELLA

KAMBAL SIRENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with