^

Pang Movies

Aiko ayaw nang makipag-sex na walang kasal

- Vinia Vivar - Pang-masa

Inamin ni Aiko Melendez na mahal pa niya ang ex-husband na si Jomari Yllana. Pero nilinaw naman niya agad na hindi raw ito ‘yung klase ng pagmamahal in a romantic way.

“Mahal ko si Jom pero hindi ko pa siya nakikita on a romantic level. Mahal ko siya dahil siya ang tatay ng anak ko,” say ni Aiko nang makausap namin sa story conference ng indie film na Asintado.

“Kasi, di ba, love, it should be nur­tured, eh. So hindi naman kami constantly romantically. . . hindi naman niya ako nililigawan kaya hindi pa ako nade-develop sa kanya.

“But if he makes some moves na we’ll be constantly together again, then, it could be developed, di ba?” she said.

So, waiting ba siya?

“I am waiting for what God has assigned for me,” say niya.

Okay na okay daw ang relasyon nila ni Jom ngayon. Mas walang tensyon and they can talk about anything.

Born Again na si Aiko ngayon at dahil dito ay nabago na ang pananaw niya sa sex and love. Ngayon, marriage raw muna before sex dahil ‘yun ang tama sa paningin ng Diyos.

Pero sa totoo lang, kung tutuusin ay mag-asawa pa rin sila ni Jom dahil hindi pa annulled ang kasal nila sa church at sa civil lang sila annulled.

Pero nakakatuwa naman dahil ganu’n na sila ka-open sa isa’t isa na pati sex ay napag-uusapan na nila samantalang dati raw naman ay hindi.

Nirirespeto naman daw ni Jomari ang religious belief niya at say ni Aiko, pinagpe-pray niya rin na someday ay maging isa na rin ang kanilang paniniwala.

“If someday, madala ko siya sa religion namin, then it’s just meant to be,” she said.

Dawn excited na magmaldita

First teleserye ni Dawn Jimenez ang Moon of Desire na pinagbibidahan ni Meg Imperial at Ellen Adarna. Ginagampanan niya ang role ni Violet, isang DJ na maarte, laging fully made-up at contestant sa beauty pageant lagi ang peg.

Kumusta naman ang pakikipag­trabaho niya kay Meg at Ellen pati na sa mga male leads na sina JC de Vera, Miko Raval, at Dominic Roque?

“I super love the cast! They’re all so nice and funny. We’re all friends now actually. But usually, pag sa ta­ping ang lagi ko lang nakakaeksena ay si Meg at Miko. Si Dom naman matagal ko nang kilala so pag same location kami, siya ‘yung nakakakwentuhan ko sa set,” she related.

How does it feel na magkaroon ng isang tele­serye?

“I am very happy, excited, and thankful to be part of this teleserye and for giving me another opportunity. First time ko rin maging kontrabida kaya sobrang challenging para sa akin yung role na binigay but I’m trying to give it my best. I’m still lear­ning,” say pa ni Dawn.

 

vuukle comment

AIKO

BORN AGAIN

DAWN JIMENEZ

DOMINIC ROQUE

ELLEN ADARNA

JOM

NAMAN

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with