^

Pang Movies

Mga balita kay Kris siya mismo ang may gawa

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Totoo ang sinabi ko kahapon sa Startalk na nanggagaling din kay Kris Aquino ang mga balita tungkol sa kanyang love life.

Post nang post si Kris sa social media ng mga nararamdaman niya para sa mystery guy na nali-link sa kanya. Nagsasalita rin siya sa kanyang morning show sa ABS-CBN kaya nalalaman ng mga tao ang mga nangyayari sa personal life niya.

Si Quezon City Mayor Herbert Bautista ang politician na nali-link kay Kris. Tumanggi ang alkalde na magsalita nang ma-corner siya ng Startalk crew sa unveiling ng Walk of Fame sa paligid ng GMA 7.

Napakadali para kay Herbert na mag-deny pero pinili niya na maging mailap. Lalong naghinala ang madlang-bayan na may katotohanan ang mga tsismis tungkol sa kanila ni Kris na nagpralala na mid-’40s ang current inspiration niya.

Eh nagsalita pa si James Yap na pulitiko ang mystery guy na nauugnay sa kanyang ex-wife.

Hindi direktang sinabi ni James ang name ng mhin pero nagbigay naman siya ng sangkatutak na clue. Takot pa si James kay Kris sa lagay na ’yon ’no?!

Boots detalyado ang kuwento sa kasal

Ang fashion designer na si Eddie Baddeo ang gumawa ng wedding gown ni Boots Anson-Roa na gagamitin nito sa kasal nila ni Atty. King Rodrigo sa June 14.

May interbyu ang Startalk kay Mama Boots at sa kanyang fiancé pero hindi naipalabas dahil kinapos kami sa oras.

Detalyado ang kuwento ni Mama Boots tungkol sa church wedding nila ni Atty. King. Si Eddie rin ang nag-design ng damit na gagamitin ni Atty. King sa pakikipag-isang dibdib kay Mama Boots.

Sen. Bong hindi naduduwag para tumakas

Umalis na si Sen. Bong Revilla, Jr. at ang kanyang pamilya noong isang araw para sa kanilang spiritual trip sa Holy Land.

Tiniyak ni Bong at ng kanyang misis na si Congresswoman Lani Mercado na babalik sila sa Pilipinas sa April 13.

Walang dahilan para tumakas si Bong at ang kanyang pamilya. Hindi sila puwedeng manirahan sa ibang bansa at wala siyang balak na takasan ang mga kaso na ibinibintang sa kanya.

May permiso ng pamahalaan ang biyahe sa Holy Land ng Revilla family. I repeat, walang reason para hindi bumalik si Bong sa Pilipinas. Hindi siya duwag, katulad ng mga idinadawit sa pork barrel scam na biglang nag-disappearing act.

Aktres ibinugaw sa taong close kay Heart

Naloka si Heart Evangelista dahil nagbanta ako na sasabihin sa TV ang name ng aktres na inialok sa isang tao na malapit sa kanya.

Nag-exit frame si Heart dahil sa takot na baka totohanin ko ang aking banta. Naniniwala si Heart na talamak sa showbiz ang bugawan dahil sa naging karanasan ng isang tao na close sa kanya.

Royette lalayas na sa bahay para tumahimik ang lugar

Sinadya ng Startalk si Royette Padilla sa Zambales para kunin ang kanyang panig tungkol sa bintang na pamamaril sa bahay ng kapitbahay niya.

Itinanggi ni Royette ang balita at nagpahayag siya ng kagustuhan na makipagkasundo sa mga tao na nagsampa ng mga kaso laban sa kanya.

Nagbitaw din ng salita si Royette na siya na lang ang lilipat ng bahay para magkaroon ng katahimikan sa kanilang neighborhood.

Sinubukan ng Startalk na kunin ang pahayag ng mga complainant pero umalis na sila sa kanilang tahanan dahil sa takot nila kay Royette.

 

vuukle comment

HOLY LAND

KANYANG

KAY

MAMA BOOTS

PARA

ROYETTE

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with