^

Pang Movies

Phil tinototoo ang pagiging Kristiyano

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Okay pa rin naman ang mga sinasabi ni Phil Younghusband tungkol kay Angel Locsin. Wala siyang sinasabi na nagpapakita na bitter siya at ang tanging sinasabi nga lang ay sana maging maligaya ang kanyang ex-girlfriend. After all, iyon naman ang hangad niya kahit na noong sila pa, at kung saan iyon maligaya ay okay lang sa kanya. Ang gusto lang niya ay matiyak na happy nga si Angel, na mukhang siya namang nangyayari ngayon.

Matapos kasi silang mag-split ni Angel ay nakipagbalikan ang aktres sa dating boyfriend na si Luis Manzano na kabi-break din lang sa naging girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Sa totoo lang, dahil sa mga sinasabi ni Phil, maraming fans ang mas nakukuha niya ngayon dahil lumalabas na gentleman siya talaga. Malaki ang kaibahan, siguro nga dahil sa nakagisnan niyang orientation sa kanyang buhay, at saka dahil isa ngang atleta, “good sport”. Nagagawa nilang tanggapin kahit na sabihing may nawala sa kanila. Iyong iba kasi napipikon sa gano’n kaya ang karaniwan pagkatapos ng isang breakup marami kang maririnig na hindi maganda.

Isa pa, sabihin na nating siguro nga tinototoo na ni Phil ang kanyang pagiging isang Kristiyano kaya ganoon na ang kanyang attitude. Hindi kagaya ng iba na nagsasalita pa tungkol sa kanilang relihiyon pero pakinggan mo naman ang sinasabi nila tungkol sa kanilang kapwa.

May fans ngang nagsasabi, kahit na raw split na nga ang dalawa, nananatili pa rin silang fans ni Phil at panonoorin ang kanyang games kasi nga nagugustuhan nila ang kanyang attitude at ang kanyang sinasabi tungkol sa kanyang ex-GF.

Rosanna Fostanes magtatagal na sa ‘Pinas

Matutuluyan na rin yatang mailagay sa Walk of Fame Philippines ang isang star na nakapangalan kay Rosanna “Osang” Fostanes, ang Pinay na caregiver sa Israel na nanalo sa singing contest doon at nagbigay karangalan sa ating bansa. Nagpadala na raw kasi ng mensahe iyon kay Kuya Germs (German Moreno) na naririto siya sa Pilipinas at medyo magtatagal siya kaya maaari siyang dumalo kung ilalagay na ang pangalan niya sa Walk of Fame. Natuwa naman siyempre ang Master Showman.

Iyon ding paglalagay na nga sa pangalan ni Fostanes, aba, kinukuwestiyon pa iyon ng iba. Bakit naman daw nanalo lang sa contest eh ilalagay na? Pero sabi nga ni Kuya Germs, naniniwala siyang kailangang kilalanin ang mga taong nagbibigay dangal sa bansa.

At saka isa pa, kung pairalin man ni Kuya Germs ang kanyang “personal criteria” sa pamimili ng mga ilalagay niya sa Walk of Fame karapatan niya iyon dahil hindi lamang siya ang organizer, sa kanya lahat nagmumula ang gastos sa Walk of Fame.

Sikat na singer hinahabol ng mga anak ng dating live-in partner, magsasampa ng kaso

May problema pala ang isang sikat na singer dahil sinasabing mukhang hinahabol siya ng mga anak ng kanyang dating live-in partner. Sinasabi raw ng mga iyon na hindi naman siya asawa ng dati niyang live-in partner kaya mas may karapatan silang mga anak sa mga naiwan kesa sa kanya.

Nagbabanta na raw ang mga anak ng dati niyang live-in partner na magsampa ng kaso sa korte.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

FOSTANES

GERMAN MORENO

KANYANG

KUYA GERMS

SIYA

WALK OF FAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with