^

Pang Movies

Young actress ginagamit ang ganda para makaipon ng signature bags and shoes

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Totoo ang balitang “Material Girl” ang isang young actress. Ito ang tawag sa kanya ng kanyang mga kaibigan dahil sa hilig nitong magpabili parati ng mga mamahaling gamit pero paaasahin lang niya ang mga lalaking nagtiyaga at gumastos sa kanya.

Ang katuwiran ni Material Girl, kung sino ang mas mahal magregalo, ’yun ang kanyang sasagutin. Pero puwede pang mag-iba ang isipan niya. In short, mahilig maglaro ang young actress sa mga lalaki.

May isang manliligaw na non-showbiz guy ang young actress pero hanggang ngayon ay “friend” pa rin ang turing niya rito. Hindi pa raw siya handa na magkaroon ng seryosong relasyon pero panay naman ang hingi niya ng regalo sa lalaki.

Kailan lang ay nanggaling sa Europe ang lalaki kasama ang kanyang pamilya at nagpabili ng mga mamahaling bag at sapatos ang young actress. Dahil sobrang nababaliw ang lalaki sa young actress at binili siya nito ng iba’t ibang designer bags at may kasama pang sapatos iyon.

Pero just the same, hindi pa rin itinuturing na boyfriend ni young actress ang non-showbiz guy. Close friends pa rin daw sila. Hanggang halik pa lang daw ang nangyayari sa kanila.

Worried lang ang friends ng young actress na baka magsawa na sa kakahintay ang non-showbiz guy na ito para sa kanya. Hindi pa niya kasi sabihin kung may pag-asa ba ito o wala?

Ipinagtataka nila kung ano ba ang ayaw pa ng young actress sa kanyang manliligaw? Guwapo na at galing pa sa mayamang pamilya.

Natatawa lang daw ang young actress nang sabihin nito na hindi lang isa kundi tatlo ang non-showbiz guys na nagkakandarapa sa kanya. At lahat sila ay willing ibili ang mga gusto niya. Kaya bakit nga naman niya sasagutin ang isa? Sayang naman daw ang mamahaling regalo na makukuha niya sa dalawa pang lalaki.

Kaya tamang-tama ang title sa kanya ng friends niya na Material Girl dahil sa kanyang pagiging materyosa at mabola pa sa kanyang mga manliligaw na willing na gastusan siya at umasa na mapapasagot nila ang young actress.

Joyce naka-move on sa dating karelasyon, kay Hiro na nakatutok

Huling week na nga ito ng early primetime series ng GMA 7 na Paraiso Ko’y Ikaw at nalungkot nga si Joyce Ching dahil mabilis daw natapos agad ang teleserye nila.

Mami-miss din kaya ni Joyce si G Toengi na balitang tinarayan siya nang tawagin niya itong “Tita G” imbes na “Miss G” lang?

“Hindi naman po niya ako tinarayan,” sabay tawa ni Joyce.

“Maayos naman po niya sinabi iyon sa akin. Parang nakiusap nga po siya eh.”

Dagdag pang paliwanag ng young actress, nasanay na raw siyang tawagin ang mga nakakatanda sa kanyang artista na tito o tita bilang paggalang sa kanila.

“Si Kuya Gabby (Eigenmann) nga, noong una tawag ko Tito Gabs, pero Kuya Gabs na lang daw dahil mukha pa naman daw kaming magkapatid.

“’Yung tungkol kay Miss G, wala naman po iyon. Hindi naman naapektuhan ang pakikipagtrabaho ko sa kanya. Isa siya sa mami-miss ko rin,” sabi ni Joyce.

Tungkol naman sa kanila ni Kristoffer Martin, okay na raw sila at magkaibigan naman sila.

Huwag na raw umasa ang kanilang fans na magkaroon sila ng reconciliation dahil naka-move on na raw siya. Balita kasing close sila ngayon ni Hiro Peralta.

 

vuukle comment

ACTRESS

DAW

LANG

MATERIAL GIRL

MISS G

NAMAN

NIYA

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with