^

Pang Movies

Richard hindi makatanggi sa iba pang humihingi ng tulong

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kung iisipin, ano pa nga ba ang oras na matitira kay Richard Gomez? May ginagawa siyang isang teleserye, at alam naman natin na bakbakan ang trabaho basta ganyan. Ilang araw sa isang linggo rin ang trabaho sa isang daily TV series. Bukod doon, kasali pa siya sa national volleyball team na siyempre ay aagaw ng kanyang oras. Iyong mga manlalaro lalo na sa panahon ng kanilang tournament ay kailangang pahinga rin ang katawan maliban sa paglalaro nila.

Pero sa kabila nun, nagagawa pa niya ng mahusay ang isa n­iyang non-paying job, ang kanyang public service sa Ormoc, Leyte na congresswoman din ang kanyang asawang si Lucy Torres-Gomez. Kaya nga ang sinasabi raw sa Ormoc, iyong taong hindi nila ginawang mayor ang siya talagang nagtatrabaho ng husto para sa kanila.

Hindi dahil sa may ambisyon pa siyang pulitikal. Sinasabi nga ni Goma na parang ayaw na niya. Mukhang hindi niya linya talaga iyon. Hindi naman kasi niya makakaya ang dirty tricks ng pulitika eh. Pero iyong kanyang naipangakong tulong, hindi naman niya puwedeng bawiin dahil hindi siya nanalo. Nangako siya ng tulong, hindi naman niya sinabing tutulong lang siya kung mayor siya. Ang sinabi lang niya, gusto niyang tumulong at ginagawa naman niya iyon ngayon.

Doon nga sa proyekto nilang naglalayong mabigyan ng bangkang de motor ang mga mangingisda na nawalan ng bangka at hanapbuhay dahil sa bagyong Yolanda, talagang kumakayod si Goma. Sa ngayon, 85 mangingisda na ang nabigyan nila ng bangkang de motor. Ibig sabihin, nakagawa na sila ng kabuhayan para sa 85 pamilya roon pero malaki pa ang kanilang hinahabol. Kasi ang target nila ay mahigit na anim na libong bangka, para matulungan hindi lamang ang mga mangingisda sa Ormoc kung hindi sa ibang lugar din na sinalanta ng bagyo.

“Hindi naman namin puwedeng ipagdamot ang tulong namin. Kung natulungan namin ang mga taga-Ormoc, hindi naman kami makakatanggi sa iba pang lumalapit at alam naming nangangailangan din ng tulong. Hindi ako nangangako pero kung may magagawa ba tayo eh bakit naman hindi?” sabi nga ni Goma. Iyan ang public servant. Walang suweldo ’yan. Walang pork barrel. Walang komisyon sa mga ipinagagawa niya. Gumagastos pa ng pera niya makatulong lang sa kapwa.

Beth Tamayo nakahandang harapin ang mga problema pagbalik sa bansa

Nasabi ni Dominic Roque na, sa huling usapan daw nila ng kanyang tiyahing si Beth Tamayo, ayos naman ang buhay ng dating aktres sa US. May mga inaayos nga lang daw at nagbabalak nang magbalik sa Pilipinas. Nagkaroon nga kasi ng problema si Beth dahil sa negosyo noon ng kanyang asawa. Pati siya ay nasabit sa mga kasong estafa at minabuti nilang magtungo muna sa Amerika habang inaayos ang problema.

Out of topic nga iyon dahil si Dominic ay humarap naman sa press dahil sa promo ng kanyang seryeng Moon of Desire pero ang tiyahin niya ang napag-usapan.

Pero sabi nga ni Dominic, nakahanda naman daw si Beth na harapin kung anuman ang mga problema nila at inaayos nga lang ang lahat para naman pagbalik niya ay maayos niya ng husto ang mga problema ng wala nang dagdag na trouble. Mukha rin daw interesado pa si Beth na magbalik sa showbusiness. Palagay namin magiging maganda pa naman ang kanyang career kung gagawin niya iyon.

Siguro nga mailalagay naman sa ayos kung anuman ang mga problemang iyon. Wala namang problemang walang solusyon eh.

 

vuukle comment

BETH TAMAYO

GOMA

KANYANG

KUNG

NAMAN

NIYA

ORMOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with