^

Pang Movies

Relasyong Kris at Herbert hinuhulaang hindi magtatagal

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nali-link si Kris Aquino kay Quezon City Mayor Herbert Bautista pero may mga tao na hindi pinaniniwalaan ang tsismis. Sila ang doubting Thomases na nagsabi na mga matatangkad na mhin ang tipo ni Kris dahil matatangkad ang kanyang mga ex na sina Phillip Salvador, Joey Marquez, at James Yap.

Pati ang ibang mga na-link din noon kay Kris, towering din ang mga height gaya nina Alvin Patrimonio at Rommel Adducul. May nag-dialogue naman na kung sakaling may katotohanan ang mga tsismis tungkol kina Kris at Papa Herbert, malamang na hindi magtagal ang kung anuman ang meron sa kanila.

Isang bagay lang ang masasabi ko, hindi nawawalan ng isyu si Kris kaya patuloy siya na pinag-uusapan. Alam na alam niya ang mga gagawin para hindi siya mawala sa limelight.

Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata dahil siguradong lalabas ang katotohanan.

Robin iniwan ang pag-aaral sa Spain

Kabilang si Robin Padilla sa mga ninong sa kasal nina Karylle at Yael Yuzon. Marami ang nagulat nang magpakita si Robin sa simbahan dahil ang alam nila, nag-aaral siya sa Spain.

Kasama ni Robin na dumalo sa church wedding nina Karylle at Yael ang kanyang misis na si Mariel Rodriguez. Naunang bumalik si Mariel mula sa Spain dahil nag-aral dito ang kanyang mister.

Startalk nakunan ang kaganapan ng kasal nina Karylle at Yael

Nakunan ng Startalk ang mga kaganapan sa kasal nina Karylle at Yael noong Biyernes. Mapapanood ngayong hapon sa Startalk ang full coverage ng nag-trending na pag-iisang dibdib ng bagong kasal.

Tutukan ninyo ang Startalk para malaman ninyo kung umapir sa kasal ang rumored boyfriend ni Zsa Zsa Padilla na si Conrad Onglao.

Matagal nang hiwalay si Zsa Zsa sa kanyang mister na si Dr. Modesto Tatlonghari pero magkasama sila na nagmartsa sa simbahan nang ihatid nila si Karylle sa altar.

Hindi napigilan ni Yael na mapaluha nang makita niya ang kanyang radiant bride. Nasa legal age na sina Yael at Karylle para lumagay sa tahimik. Kahapon ang 33rd birthday ni Karylle.

German Moreno nakakabilib ang energy

Naaliw ako sa litrato ni German Moreno na kumakalat sa social media at may caption na nagsinu­ngaling siya. Nakakatawa ang litrato na nagpakita kay Kuya Germs habang natutulog. Nilagyan ang litrato ng caption na sinungaling si Kuya Germs dahil sa kanyang show na Walang Tulugan with Master Showman.

Lagare King si Kuya Germs noong Biyernes dahil nag-ninong siya sa kasal nina Karylle at Yael Yuzon sa Tagaytay City at mula rito ay dumiretso siya sa studio ng GMA 7 para sa taping ng Walang Tulugan. Sandaling umalis si Kuya Germs sa taping ng kanyang show dahil sumaglit siya sa Teatrino Greenhills para tanggapin ang Lifetime Achievement Award na ipinagkaloob ng Entertainment Press Society.

Nakakabilib ang energy at professionalism ni Kuya Germs. Hindi ko carry ang ginawa niya na paglalagare. ’Yan ang tunay na propesyonal kaya nagtatagal siya sa entertainment industry!

Sen. Loren may sorpresa

May sorpresa si Sen. Loren Legarda pero sa April 22 pa ang announcement. Kahit anong pilit, ayaw sabihin ni Mama Loren ang kanyang sorpresa na ikatutuwa raw ng movie industry.

Nakipag-usap na si Mama Loren sa isang award-winning director para sa sorpresa na inihahanda niya. Kung anuman ’yon, hintayin na lang natin ang bonggang announcement ni Mama Loren!

 

vuukle comment

GERMAN MORENO

KANYANG

KARYLLE

KUYA GERMS

MAMA LOREN

SIYA

STARTALK

YAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with