^

Pang Movies

Character actress nag-iilusyon lang na kolehiyala, student leader pa kuno!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Trying hard ang isang character actress na siya ay graduate sa isang exclusive all-girl high school. Meron pa siyang pictures na naka-uniform ng nasa­bing paaralan ng mga mayayaman.

Kasi naman magkakatabi ang mga eskuwelahan doon sa street ng Legarda sa may San Beda. Ang totoo, dahil purita mirasol ang artista, sa isang public but very high standard school siya nagtapos. From that public (free) high school came champions of oratorical contests like Voice of Democracy, winners in science and math competitions, and elected mayors of Manila during Boys & Girls Week.

Say pa nga ng nagpapanggap na taga-St. Paul, active ring student leader ang mapagkunwari. Kaya galit na galit ang friend namin na St. Paul graduate at nag-name drop ng mga kilalang mga madreng educators doon.

‘‘Naku, hinding-hindi siya kilala ni Sister kaya huwag siyang mag-ilusyon na favorite siyang student ng aming teacher,” sabi ng aming friend.

Krista ayaw nang pabalikin sa ’Pinas ang amang si Mat

Ayon kay Krista Ranillo, masayang-masaya    silang namumuhay sa US lalo na ngayong magtatatlo na ang kanyang mga anak. Ang forthcoming baby ay babae na!

Tungkol sa kanyang amang si Mat Ranillo III, okay na ang trabaho ni Archie roon at ang dasal ni Krista ay huwag nang guluhin ang kanyang ama ng usapin tungkol sa pork barrel scam.

Si Krista na mismo ang pumipigil kay Archie na bumalik pa sa bansa dahil sa iskandalo. Kung magkakaroon naman ng TV o movie project ang kanyang daddy, ang dasal ni Krista ay sana sa Amerika na lang kunan ang mga tagpo ni Mat.

Kung kailangan pang magbalik-bayan, higit na mabuti kay Krista na huwag nang bumalik sa showbiz si Mat Ranillo III.

Nabuhay ng masagana, tahimik, at maligaya si Krista sa piling ng Ranillo family dahil successful entrepreneur ang kanyang ama at sina Archie roon.

Julia nine-nega na hindi pa man nakakapag-umpisa

Malugod na tinanggap ni Julia Barretto ang Mirabella upang bumuo ng isang bagong tandem with Enrique Gil.

Nagsisimula pa lang ang kanyang trabaho at partnership kaya wala pang gaanong masabi ang bagong contract artist ng network. Ang alam niya, nakahanda niyang pagbutihin ang kanyang trabaho at bumuo ng partnership na mamahalin ng mga televiewer.

Sa ngayon, ayaw na muna niyang pansinin ang mga negative na puna sa kanya kahit sabihin pang palaban din ang kanyang personalidad tulad ng kanyang Tita Gretchen at Mama Marjorie Barretto.

Ang kanyang flawless beauty, akmang-akma sa titulo ng teledrama, Mirabella, na sisimulan na sa Lunes, March 24.

Daddy ni Karylle proud sa kasal

Daig pa ang nagpo-promote ng magandang project si Karylle dahil kasama pa niya ang kanyang daddy na si Dr. M (Modesto Tatlonghari). Matagal na sa showbiz si Karylle pero ngayon lang naging visible sa harap ng camera.

Siyempre naman, masayang-masaya rin ang dakilang ama, dahil si Karylle ang only child nila ni Zsa Zsa Padilla. Si Dr. M ang laging kasama ng singer-actress maging sa pag-aaral, hanggang makatapos with honors sa Ateneo de Manila University.

Sa madalas na pagsama ni Dr. M sa mga TV interview about the wedding, ibig sabihin ay aprubado sa dalubhasang dentista ang kasal ni Karylle with Yael Yuzon na vocalist ng Sponge Cola at isa ring graduate from Ateneo.

Madir ni Yasmien galing sa mayaman at edukadong angkan

Ang mother ni Yasmien Kurdi na si Baby ay Yuzon din ang maiden family name at sila ang pinakamayaman sa lugar nila noong single pa.

Ewan lang namin kung may relasyon sina Baby sa pamilya nina Yael Yuzon.

Kaya naman lahat ng mga kapatid ni Baby ay nakatapos din ng kanilang pag-aaral sa college.

 

vuukle comment

DR. M

KANYANG

KARYLLE

KRISTA

MAT RANILLO

ST. PAUL

YAEL YUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with