Kris puring-puri si Daniel, James hinahamong mag-exert ng effort kay Bimby!
- Vinia Vivar Kahapon (The Philippine Star) - March 19, 2014 - 12:00am

Kahapon sa Kris TV ay ipinakita na masayang masaya sina Daniel Matsunaga at bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby habang naghaharutan sa swimming pool.

Maiisip mo nga na para silang mag-ama kung hindi mo sila kilala. Habang naglalaro ang dalawa sa pool ay naka­tingin naman si Kris at Erich Gonzales sa kanila.

Nasambit tuloy ni Kris na nakakaawa naman daw ang anak niya dahil naghahanap ito ng father figure kaya sana naman daw ay mag-exert ng effort ang ama nitong si James Yap.

“Naawa ako kaya dapat um-effort si James. Nag­hahanap talaga si Bimb ng masculine companionship, playmate,” say ni Kris.

Ayon kay Kris, ito raw ang isang bagay talaga na hindi niya kayang gawin sa kanyang dalawang anak na lalaki.

“I hope ang magkaroon ng realization ‘yung father ni Bimb na mag-exert siya ng effort na gawin ‘yon, kasi ‘yun ‘yung one thing na hindi ko talaga kaya. No matter how much I love my sons, that’s one thing, ‘yung harutan na panglalaki well it’s not in my capacity.

“So sana ‘yung every day na pagkikita nila, sana um-exert ng effort kasi hindi mo maibabalik ang time na ito, so they will have happy memory together or kung hindi man maganap ‘yon, may God bless me with a partner who would be willing to do that. In God’s time,” sabi ni Kris.

Sa nasabing episode ay pinuri-puri ni Kris si Daniel na sa lahat daw ng nakasama niya, ramdam na ramdam niya ang pagiging likas na mabait ng aktor.

“Super nagpapasalamat ako kay Dan kasi super mabait siyang nilalang, hindi ba? Lahat naman tayo na feel natin, sa dami nang nakasama na natin, siya ‘yung ano talaga.

“Hindi niya pini-feel na gwapo siya, tapos, marunong siyang makisama and child-like siya talaga, mayroon siyang openness,” papuri ni Kris kay Daniel.

In fairness to Daniel, ang yummy-yummy  niya sa said Palawan episode ng Kris TV. And we smell attraction from them for each other, huh!

 

Antoinette hindi naniniwalang hindi siya kilala ni Marian

Kahapon, sa panayam ni Cristy S. Fermin sa kanyang segment na Cornered by Cristy sa Showbiz Police with Antoinette Taus, ang daming nag-react na parang hindi tumatanda ang dating aktres. Ganung-ganun pa rin kasi ang hitsura niya at parang siya pa rin ‘yung dating Antoinette Taus na nasa bakuran ng GMA 7 at girlfriend ni Dingdong Dantes.

Ang nakakatuwa, may mga anggulo pang kahawig siya ni Marian Rivera na girlfriend ngayon ni Dingdong.

Matatandaang in the past ay may tsismis na may nagtanong daw kay Marian kung nagkita na sila in person ni Antoinette at ang sagot daw ng una, “who’s she?”

Say ni Toni  (tawag kay Antoinette) sa kanyang panayam, siguro raw ay nagbibiro lang si Marian.

“Kilala naman po siguro niya ako, baka naman nagbibiro lang siya,” say ni Antoinette.

First part pa lang ng panayam ang inere kahapon sa Showbiz Police at hanggang bukas ito mapapanood. Ang nasabing talk show ay umeere sa TV5 mula Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m.

Maraming kwento si Antoinette partikular na ang makulay na buhay niya sa Amerika. Ikinuwento rin niya kung paano niya kinaya ang pagpanaw ng kanyang ina nu’ng 2004 na sumabay pa sa paghihiwalay nila ni Dingdong na naganap lang sa pag-uusap nila sa telepono.

Ang kanyang kapatid na si Tom Taus na nagbida sa pambatang pelikulang Cedie ay isang matagumpay nang deejay ngayon sa Amerika. Naririto rin ngayon sa ‘Pinas ang dating child star at nagpaunlak din ng panayam sa Cornered by Cristy.

AMERIKA ANTOINETTE ANTOINETTE TAUS BIMB KRIS NIYA SHOWBIZ POLICE SIYA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with