^

Pang Movies

Charice malapit nang makasundo ang magulang at kapatid

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Nagiging in demand muli si Charice sa USA at sa ibang parte ng mundo.

Katatapos lang niya mag-record ng Right Where I Belong, theme song ng Sony animation na The Swan Princess: A Royal Family Tale. At kasama ang kanyang version ng kanta sa DVD copy of original soundtrack album. Ibang singer naman ang kumanta sa actual movie.

Sa August, top billed si Charice sa isang music festival na kasama sina Aaron Carter, Belinda Carlisle, Mary Lambert, among other pop stars.

Natutuwa siya na sa isang presscon, malugod ang pagtanggap sa kanya ng foreign media at hindi man lang inuusisa ang pag-out niyang lesbian.

Say ni Charice, ang gusto niya ay magpatuloy magtrabaho and she really wants to work hard.

Ang isa sa pinakamagandang balita kay Charice, nasa speaking terms na silang magkasundo ng ina at kapatid at malapit na silang magkasundo ng lubusan.

Aktres nakakuha ng pointers kung paano gumaling mag-‘K-K’

Nagngitngit sa sobrang galit ang isang aktres nang makatanggap ng short cut na text kung bakit lumilipat palagi sa bahay ng kanyang kerida si mister: ‘‘Mas mahusay kasi siyang mag-K-K sa ’yo.’’

Akala kasi ng wife siya ang champion sa lahat ng bagay kaya nagtanong agad ang ibig sabihin. Mas mahusay lang palang mag-Kare-Kare, favorite na putahe ni mister, ang kabit.

Biglang humingi ng pointers ang aktres sa kaibigang expert mag-kare-kare. Nagsimula ang payo sa pagpapalambot ng buntot ng baka, tuwalya, at isaw, hanggang pagpili ng mga sariwang gulay, na dapat may bagong pitas na puso ng saging, pagdidikdik ng sinangag na bigas at mani, pati ang paggigisa ng bagoong sa maliliit na hiwa ng malambot na baboy.

Epektibo naman dahil halos hindi sumasakabilang bahay si mister. Kaya magpapaturo kami ng pagluluto ng dried adobo na niluluto ng magandang dating aktres na may anak na eksperto sa mga gawain sa bahay.

Paris magyayaya ng celebrities sa resort condo

Very proud si Paris Hilton sa kanyang Pa­ris Beach Club sa Azure Resort Residences in Pa­rañaque City. Naglibot siya sa mga most beautiful place of the world upang magamit ang mga design at natutuhan niya sa sariling beach club.

As part owner, nag-invest din siya ng millions of dollars sa exclusive place na magiging tirahan of the rich and famous.

Pati mga sikat na celebrity from other countries, welcome na maging owners ng mga unit sa nasabing lugar.

The international jet crowd will be purchasing their own place in this fashionable urban center with the Paris Beach Club.

Pinay actress makakabawi na sa nawalang milyones ng asawa, may malaking role sa Koreanovela

Tiyak na makakabawi ang Pinay actress na si Sunshine Estores sa South Korea ngayong gumaganap siya ng important role sa Koreanovelang Melody of Love.

Na-swindle kasi ang kanyang Korean husband ng milyones sa pagbili ng cell phone sa Korea at tinakbuhan sila ng salarin.

Nag-audition for a part in a teledrama si Sunshine last October at nakapasa naman.

vuukle comment

A ROYAL FAMILY TALE

AARON CARTER

AZURE RESORT RESIDENCES

BEACH CLUB

BELINDA CARLISLE

CHARICE

K-K

KOREANOVELANG MELODY OF LOVE

MARY LAMBERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with