^

Pang Movies

G hindi kilala ang kasama sa show

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

“Please call me G or Ms. G,” nang malaman ni G Toengi na naging issue pala nang tawagin siya ni Joyce Ching nang una silang magkita sa taping ng Paraiso Ko’y Ikaw ng Tita G. Hindi raw kasi niya alam na magiging issue iyon dahil nasanay na siyang tinatawag sa name niyang G. Inamin ni G na since matagal siyang nag-stay sa USA, hindi niya kilala ang mga young star ngayon. Nang bumalik siya rito dahil kinuha siya ng TV5, at gumanap na mother ni American Idol David Archuleta, G lang ang tawag nito sa kanya. Kaya ngayon daw, ayaw niya talagang patawag ng Tita G at biro niya, hindi pa raw naman siya mukhang tita. Nang mag-guest nga raw siya sa The Ryzza Mae Show, ang tawag sa kanya ni Ryzza Mae Dizon ay Ate G.

Hindi raw naman siya nagalit kay Joyce. Sinabihan lamang niyang huwag siyang tatawaging tita at hindi issue sa kanya iyon. Okay naman sila ni Joyce lalo na at madalas niya itong kaeksena. 

Napapanood ang soap na idinidirek ni Bb. Joyce Bernal bago ang 24 Oras.

Dingdong nagtiis na mag-out of town para maka-graduate

Graduation time na ngayong March kaya maaga pa ay binabati na namin si Dingdong Dantes who will graduate na sa March 23 sa West Neg­ros University in Bacolod. Sa Ateneo University kumuha ng marketing si Ding­dong pero may ilang units pa siyang naiwanan. Pero sa kabila ng busy schedule, itinuloy ni Dingdong ang studies niya at twice a week, pumupunta siya ng Bacolod para mag-sit-in sa classes niya roon, ang ibang araw na wala siya, sina-submit niya ang assignments nila through online. Pinagsikapan niya talaga ito dahil gusto niyang magkaroon ng college degree. Malaking tulong kasi ito sa kanya lalo na at may mga business siyang pinangangasiwaan. Someday gusto rin daw niyang makakuha ng masters degree.

Kaya hindi nakakapagtaka kung bakit education ang main advocacy ni Dingdong at ng kanyang Yes Pinoy Foundation. At hindi naman siya pinababayaan ng girlfriend niyang si Marian Rivera, basta free ito sa schedules at may outreach siya, sinasamahan siya nito. Siyempre ay happy and thankful si Dingdong sa support ni Marian dahil additional saya raw ito sa mga batang binibisita nila sa mga school para bigyan ng books and school supplies.

Meanwhile, sa set ng Carmela, nagpasalamat si Marian sa mga bumili ng 14th anniversary issue ng FHM Magazine for March.

vuukle comment

AMERICAN IDOL DAVID ARCHULETA

ATE G

BACOLOD

DINGDONG DANTES

G TOENGI

NIYA

SIYA

TITA G

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with