^

Pang Movies

Nag-iimbita sa ‘teleserya’ raw aktres pinagtatawanansa baluktot na dila

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Pinagtatawanan ang isang aktres na matagal na sa showbiz pero baluktot pa rin ang dila.

Nakagawa na ang aktres ng sangkatutak na teleserye pero hanggang ngayon, “teleserya” pa rin ang pronunciation niya sa teleserye word. ’Kaloka siya ’di ba?

Isipin n’yo na lang ang malakas na halakhakan ng mga tao sa isang out-of-town show na pinuntahan ng aktres. Paulit-ulit na sinabi ng aktres sa mga tao na suportahan ang kanyang mga “teleserya.” Nagtawanan ang mga tao at nag-dialogue ng “Bakit namin susuportahan ang mga show mo eh hindi mo nga mabigkas ang salitang teleserye?”

Oo nga naman, may punto sila.  

Rose star na star sa Israel kesa ’Pinas

Inikot ni Rose Fostanes ang mga local TV show bago siya bumalik sa Israel.

Hindi totoo ang mga pang-iintriga na paulit-ulit ang mga damit na ginamit ni Rose sa kanyang mga TV guesting. Pamilyar lang ang mga outfit ng Pinay na tinanghal na champion sa The X Factor Israel dahil kung ano ang ginamit niya sa singing contest na sinalihan, ‘yon din ang suot niya sa kanyang mga guesting sa local TV shows natin.

Star na star na si Rose sa Israel. Mas sikat pa nga siya sa Israel kesa sa sariling bansa. Sad but true.

Al kamukha rin ni Roy

Matagal ko nang kilala si Al Tantay dahil nakakasama namin siya sa mga kampanya noong ’70s.

Photographer pa noon si Al at si Douglas Quijano ang nag-encourage sa kanya na mag-artista dahil guwapo siya at may height.

Si Al ang hottest actor noong panahon niya. Nakapareha niya halos ang lahat ng mga sikat na aktres mula kay Vilma Santos hanggang kay Lorna Tolentino.

Mabait at marunong makisama si Al kaya natuwa ako nang malaman ko na siya ang ipinalit kay Roy Alvarez sa Villa Quintana.

Perfect replacement si Al dahil may anggulo ito na kahawig siya ni Roy at malinaw na pruweba ang publicity photos na inilabas ng GMA 7.

Lucy nag-iisang reyna ng sayawan

Ibabalik ng TV5 ang kanilang dance show pero iba na ang title. Si Rep. Lucy Torres-Gomez pa rin ang one and only choice para maging host ng Celebrity Dance Battle.

Hindi pa tiyak kung kailan ang airing nang nagbabalik-telebisyon na dance show ni Lucy. May mga usap-usapan na baka magsimula ang Celebrity Dance Battle sa second quarter ng taon.

Jonalyn fearless nga sa pagta-tanga!

Hindi maka-get over kay Jonalyn Viray ang mga nanood ng kanyang Fearless concert sa Music Museum noong Biyernes.

   Hindi kasi sila makapaniwala na magiging fearless si Jonalyn sa pagsusuot ng tanga habang sing-and-dance siya. Tinalbugan ni Jonalyn si Alma Moreno, ang original Tanga Queen.

 

vuukle comment

AL TANTAY

ALMA MORENO

CELEBRITY DANCE BATTLE

DOUGLAS QUIJANO

JONALYN

JONALYN VIRAY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with