^

Pang Movies

Bandiladawit Nagsisi na sa mga nagawang kasalanan, aktor nag-panic sa maling propesiya!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mabilis ang reaksiyon ng ilang grupong relihiyoso laban sa lumabas na “mysterious disease” story sa Bandila, ang late newscast ng ABS-CBN. Sinabi nilang masyado raw sensationalized iyon at nagbigay pansin sa isang self-proclaimed prophet na bumbay na na­nanakot sa mga tao.

Kasunod iyan ng sinabi ng DOH, na hindi naman misteryosong sakit iyon dahil isa sa kanila ay may leprosy, samantalang ang sakit naman noong isa ay psoriasis. Parehong hindi nakakahawa ang sakit ng dalawa at napagagaling naman.

Hindi namin sinisisi ang ABS-CBN, dahil nakuha nila ang kuwento mula lamang sa kanilang reporter, ang mali lang doon hindi nagkaroon ng talagang imbestigasyon kung ano nga ba ang sakit ng mga iyon. Siguro may plano silang follow-up report, pero naging mabilis kasi ang dating ng takot sa mga tao. May isa pa ngang male star na nag-post na ng pagsisisi sa lahat ng kanyang kasalanan sa Facebook. Pati si Ruffa Gutierrez nga naalarma.

Isa lang ang masasabi namin sa mga bagay na iyan. Hindi malupit ang Diyos para magparusa lalo na sa mga taong wala namang masasabing napakabigat na kasalanan. Sabi nga sa aklat ng mga Awit, “Ang Diyos ay maawain at mapagbigay, banayad sa pagkagalit.” Hindi mang­yayari ang mga ganyang hula, pero dapat din naman magsisi tayo sa a­ting mga kasalanan, lalo na nga’t sa susunod na linggo ay simula na ng panahon ng Kuwaresma.

Umasang magkakabalikan pa, Ynna sobrang nasaktan sa ‘anak’ ni Mark

Nasaktan pala nang husto si Ynna Asistio nang malaman ang totoo na may anak na si Mark Herras. Kahit na kasi nag-break na sila, lumalabas na on pa rin sila nang mabuntis ni Mark ang kanyang handler. Hindi rin naman daw talaga iyon ang dahilan ng split, kaya nagkikita pa rin sila matapos ng break up. Ang rason ay dahil magkaibigan pa rin naman daw silang dalawa.

Sa sitwasyong ganoon, naroroon siyempre ang hope na kung maaayos ang kanilang na­ging problema ay maaari pang magkaroon ng reconciliation. Ang masakit, hindi inamin ni Mark kay Ynna ang isa pang problema niya, at ang naging relasyon niya sa kanyang handler. Nalaman pa nila at nakumpirma iyon sa ibang tao, kaya parang may panloloko pa ring ginawa si Mark kung totoo ang kuwento ni Nadia Montenegro. At mukhang sila pa ang huling nakaalam na may anak na si Mark. Ang masakit pa kay Ynna, nalaman niya iyon sa mismong Valentine’s day, at two days before ay magkasama pa sila ni Mark.

May nagtanong lang daw kung ano ang reaksiyon ni Ynna sa kanyang tiyahing si Tanya, na siyang nagtanong naman sa kanyang ermat na si Nadia. Hindi pa rin agad naniwala si Nadia at naitanong iyon sa presidente ng GMA Films na si Annette Gozon Abrogar na kaibigan pala niya. Nakumpirma lang niyang totoo nang tanungin siya ng “Hindi n’yo pa ba alam?”

vuukle comment

ANG DIYOS

ANNETTE GOZON ABROGAR

IYON

MARK

MARK HERRAS

NADIA

YNNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with