^

Pang Movies

Jonalyn ayaw palakihin ang away ng mga dating ka-grupo

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nilinaw ni Jonalyn Viray na wala silang anumang gap ng mga dati niyang kasama sa grupo na La Diva na sina Aicelle Santos at Maricris Garcia. Iba-iba na kasi ang ginagawa nila ngayon simula noong mabuwag na ang trio nila.

Tulad sa Feb. 28 may solo concert si Jonalyn sa Music Museum na ang titulo ay #Fearless. Celebration din ito ng ika-ninth year niya sa showbiz.

Inintriga si Jonalyn dahil hindi nga niya special guest sina Aicelle at Maricris. Kundi ang mga guest niya ay sina Regine Velasquez-Alcasid, Brenan Espartinez, at Kuh Ledesma.

Paliwanag ni Jonalyn na gusto raw niyang maiba ang mapanood ng audience sa kanya dahil pamilyar na ang lahat kapag sina Aicelle at Maricris ang kasama niyang kumakanta.

“Ako naman po, nag-decide ako na gusto kong mag-concentrate sa solo singing. Wala naman pong masama roon, ’di ba?

“Kaya po si Miss Regine ang special guest ko ay dahil siya po ang naging inspirasyon ko kung bakit ako nag-audition noon sa Pinoy Pop Superstar. Parang malaki ang kinalaman niya sa career ko ngayon.

“Si Brenan naman po kasi siya ’yung matagal ko nang nakasama talaga. Siya rin ang parati kong ka-duet noon.

“Si Ms. Kuh naman, idol ko po siya bata pa lang ako. At nagkasama kami sa ilang shows sa US. Kaya nag-promise ako na kapag natuloy ang solo concert ko, isa siya sa mga magiging guest ko,” pahayag ng singer.

Pero may nagsabi na tila totoong may gap nga sa kanila nina Aicelle at Maricris dahil noong nakaraang birthday daw ni Aicelle ay hindi raw dumalo si Jonalyn pero si Maricris ay nandoon.

Rason naman ni Jonalyn, wala raw siyang alam na may surprise party pala kay Aicelle.

“Wala naman pong nag-text sa akin tungkol doon,” diin niya.

Pero despite sa nangyari ay wala raw sama ng loob si Jonalyn. Baka raw hindi lang nakarating ang text sa kanya.

“Ayoko na pong palakihin ’yan. Basta ako ay walang problema sa kanila,” diin pa ni Jonalyn.

Gelli nahihirapan nang isama ang dalawang binatilyong anak

Teenagers na pala ang mga anak nina Gelli de Belen at Ariel Rivera. Fifteen years old na ang panganay nilang si Joaquin at 13 years old naman si Julio.

Kuwento ni Gelli, may sariling mundo na raw ang dalawang binatilyo niya. Hindi na raw sila ’yung tipong madaling isama sa kung saan-saan dahil may mga kaibigan na silang sinasamahan.

“Gano’n talaga, ’di ba? Hindi na kasi sila babies. May sarili ng mga lakad ang mga bata.

“Before, kapag sinabi mong sama ka sa akin sa mall, mabilis pa sa alas-singko kung magbihis. Ngayon pahirapan na kapag nagpapasama ka. May mga excuse sila parati pero naiintindihan ko naman.

“Si Ariel talaga ang nakakapagpasunod sa kanila. Kapag sinabi ni Ariel na kailangang samahan ako, susunod sila pero may mga kondis­yones pa ’yan.

“Kaya kami ni Ariel, oo lang kami nang oo sa mga pakiusap nila. Minsan kasi nami-miss ko na rin ang mga batang kasama. The whole week na kasi akong nagtatrabaho at ’yung dating time na naibibigay ko sa kanila noon ay nababawasan. Kaya hangga’t maaari, habang nayayakap at nahahalikan ko pa sila, ginagawa ko bago pa sila mag-inarte ’di ba?” tawa pa ni Gelli.

Bukod sa Face the People ay ginagawa rin ni Gelli ang Confessions of a Torpe with Ogie Alcasid, Alice Dixson, Dennis Padilla, Bayani Agbayani, Alyssa Alano, and Jojo Alejar.

Katy Perry nakaiwas sa dila ni Miley Cyrus nang halikan sa ‘X-rated’ na concert

Marami ang nagulat sa mga nanood ng concert ni Miley Cyrus last Feb. 22 sa Staples Center in Los Angeles, California nang halikan nito si Katy Perry sa labi.

Isa sa mga nasa audience si Katy para suportahan si Miley. Nang makita siya ng singer ay lumapit ito at hinalikan sa labi. Mabilis naman na kumalas si Katy nang maramdaman daw nito na dila na ang gagamitin ni Miley sa kanya.

Pero natuwa naman daw si Katy sa nangyaring iyon at nag-tweet pa ito ng: “And after! I adore you @Miley Cyrus.”

Isa lang ito sa mga eksena ni Miley na ikinaka-turn off ng audience niya. Masyado raw malaswa ang mga ginagawa at mga suot ng dating Disney star sa entablado at gusto ng iba na ikansela na lang ang concert tour niya dahil mali ang mga pinapaabot na mensahe ni Miley sa fans niya.

Pero ayon naman sa producers ng concert na may warning sila na “X-rated” ang concert ni Miley kaya huwag na silang magulat. Nag-tweet si Miley ng: “You can’t say I didn’t warn you. Now sit back relax & enjoy the show. #bangerztour! Save your complaints for the McDonalds drive thru when they forget the ‘fries with that.”

vuukle comment

AICELLE

GELLI

JONALYN

KAYA

MARICRIS

MILEY

MILEY CYRUS

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with