^

Pang Movies

Kahit baguhan, Michael Pangilinan tinitilian na

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Ang poging balladeer na tipong artistahing si Michael Pangilinan ay nagkaroon ng Valentine’s Day concert last Feb. 13. Ginanap sa The Library Metrowalk sa Ortigas Ave., Pasig City ang nasabing concert. Sinadya talaga ni Michael at ng kanyang manager na si Jobert Sucaldito na huwag gawing Feb. 14 dahil mas maraming musical shows at maganda naman ang resulta dahil sold out ang mga tiket.

Naging big factor din ’yung pawang may mga name na sa larangan ng musika ang guests niyang sina Luke Mijares, Duncan Ramos, Prima Diva Billy (ang babaeng may loud speaker sa lalamunan sa taas at lakas ng boses), Paolo Santos, AJ Tamisa, Token Lizares, at Le Chazz.

Baguhan sa kantahan si Michael pero tinitilian na at sikat na sikat na. Maganda na kasi ang boses ay  guwapo, matangkad, at macho pa. Kaya type na type siya ng mga matrona at mga kakosa sa federasyon.

Mga artista maingat na sa imbitasyon

O, hayan, may joke ngayon na ‘pag may nag-invite sa mga artista, babae man o lalaki, itatanong muna nila kung saan.

Mas pipiliin na raw nila kung sa turo-turo na lang para maraming tao. Please, ayaw nila sa condo unit, at baka magkaroon ng part two ang Vhong Navarro case.

 

 

vuukle comment

DUNCAN RAMOS

FEB

JOBERT SUCALDITO

LE CHAZZ

LIBRARY METROWALK

LUKE MIJARES

ORTIGAS AVE

PAOLO SANTOS

PASIG CITY

PRIMA DIVA BILLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with