^

Pang Movies

Kaya hindi pa rin nagkaka-love life Daddy ni Sarah, sobrang higpit na rin

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sad naman if true ang balita na si daddy Delfin Geronimo naman daw ang problema ngayon ng Pop Princess na si Sarah. Nagalit daw si daddy Delfin dahil hindi nagpaalam si Sarah na aalis ng sila ng nababalitang boyfriend na si Matteo Guidicelli. Nagpaalam naman daw si Sarah kay Mommy Divine na pumayag naman. Pero hindi siya nagpaalam sa ama kaya nagalit ito. Hayyy, Sarah you will be turning 26 na, pero hindi mo pa rin nai-enjoy ang magkaroon ng boyfriend. At heto pa, break na nga raw sila ni Matteo, kahit hindi pa umaamin na sila na nga, dahil may bagong ka-love team ngayon si Sarah, si Coco Martin, sa bagong movie na gagawin nila to be produced by Viva Films at Star Cinema. Mabuti na lamang magiging busy na si Sarah dahil magsisimula na silang mag-shooting ni Coco ng untitled movie nila.

Rating ng EB tumaas nang bumalik si Wally

Totoong hinahanap na ng mga sumusubaybay ng noontime show na Eat Bulaga si Wally Bayola, dahil mas tumaas ang rating nila nang muli siyang bumalik sa show last Saturday. ‘Di napigilang umiiyak habang humihingi ng tawad at nangakong hindi na siya muling magkakamali. Although hindi pa siya sumasali sa pagpapatawa nina Jose Manalo, Paolo Ballesteros, at ng German actress na si Val Weigman, nakikita naming may mga kumi-kiss at kumakamay kay Wally sa mga lugar na pinupuntahan ng segment na Juan for All. Tahimik pa lamang ang comedian pero tiyak na babawi na siya sa mga susunod na araw.

Jaclyn ayaw na nababakante sa trabaho

Maraming nagti-tweet na huwag daw sanang aalisin ang character ni Jaclyn Jose as Trixie sa Carmela, dahil maganda ang role nito as the loving and supportive mother ni Yago (Alden Richards). Siya namang kabaligtaran sa character na una niyang ginampanan noon sa Mundo Mo’y Akin kung saan kaaway niya si Alden sa story. On her part naman, nasabi pala ni Jaclyn na she hates kapag wala siyang ginagawa. Kaya payag siyang mag-guest sa mga shows ng GMA kapag wala siyang taping ng primetime show ni Marian Rivera.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

COCO MARTIN

DELFIN GERONIMO

EAT BULAGA

JACLYN

JACLYN JOSE

JOSE MANALO

MARIAN RIVERA

MATTEO GUIDICELLI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with