^

Pang Movies

Matinee idol noon, ngayon lang nagkakalat ang porno movie na ginawa

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - The Philippine Star

Pinagsisisihan na ng dating matinee idol na ito ang paggawa niya ng isang soft-porn indie movie dahil bukod sa pagkakaroon nito ng mga pirated copies ay mapapanood din ito sa mga local porn sites sa Internet.

Worried ang dating matinee idol dahil lumalaki na ang kanyang mga anak at baka isang araw ay may isa sa mga anak niya na makapanood nang ginawa niyang iyon.

Inamin naman ng dating matinee idol na tinanggap niyang gawin ang soft-porn indie na iyon dahil na­ngailangan siya ng pera. Tsaka straight-to-video naman daw iyong pelikula kaya hindi ito magkakaroon ng commercial release.

“Kung may iba pa akong choice, hindi ko na sana ginawa ang pelikulang iyon. Pero desperado na ako that time. Malaki ang binayad sa akin para gawin ko ang mga eksena roon,” pahayag pa ng dating matinee idol nang minsan namin siyang makausap.

Sa naturang soft-porn indie movie ay ipinakita niya ng ilang beses ang kanyang puwet. May mga pumping scenes din siya.

 â€œPikit-mata ko na lang ginawa ang mga eksenang iyon. Hindi na ako nagtanung-tanong. May kasabihan na ‘beggars can’t be choosers’, ‘di ba? Tinanggap ko ang role at pinanindigan ko na lang.”

Nagsunud-sunod raw ang offer sa dating matinee idol na gumawa pa ng mga soft-porn indie. Pero tinanggihan na niya ang mga ito. Tama na raw ‘yung minsan at pinagsisisihan na niya ang desisyong iyon.

Paano nga kung mapanood ito ng isa sa mga anak niya?

 â€œHindi ko mapipigilan ang pangyayaring iyon.  Mapanood man nila iyon, siguro they will soon find out that their dad did it para may maipakain ako sa kanila.

 â€œLike what I said, hindi ko na mababawi iyon. Kailangan tanggapin na lang namin iyon,” pagtatapos ng dating matinee idol.

 

Carlo Aquino at Jhong Hilario tinalo si Nora Aunor sa Young Critics

Ang indie film ni Adolfo Alix, Jr. na Porno ang big winner sa 24th Young Critics Circle’s Annual Citations.

Nakuha nito ang lima sa anim na main awards ng YCC kasama na rito ang Best Film at Best Performance para kay Carlo Aquino at ka-tie niya si Jhong Hilario for Badil.

Nakalaban ng Porno sa Best Film ang: Mga Anino Ng Kahapon, Babagwa, Badil, Dukit, Ang Kuwento ni Mabuti, Pagpag, at Quick Change.

Tinalo naman nila Carlo Aquino at Jhong Hilario for Best Performance sina Angel Aquino (Porno); Nora Aunor (Ang Kuwento ni Mabuti); Adrian Cabido (Lauriana); Carlo Cruz (Mga Anino Ng Kahapon); Allen Dizon (Lauriana); Ensemble cast of Porno; Cherie Gil (Sonata); Dick Israel (Badil); Alex Vincent Medina (Babagwa); Daniel Padilla (Pagpag); Joey Paras (Babagwa); Sue Prado (Ang Kuwento ni Mabuti); TJ Trinidad (Mga Anino ng Kahapon).

Nauwi rin ng Porno ang Best Screenplay and Best Sound & Aural Orchestration. Nag-tie naman ang Porno at Pagpag for Best Editing.

Ang indie film na Lauriana ang nakakuha ng Best Cinematography and Visual Design.

May special category na ang YCC at ito ay ang Best First Feature para mas ma-encourage ang mga baguhang filmmakers. Unang recipients nito ay sina Kristian Sendon Cordero for Angustia; Miguel Alcazaren for Puti and Randolph Longjas for Ang Turkey Man ay Pabo Rin.

Naka-set ang awarding ng 24th Young Critics Circle sa 3rd week of March.

 

Julia Roberts nabigla sa pagkamatay ng kapatid!

Malungkot ngayon ang Oscar-winning actress and America’s sweetheart na si Julia Roberts dahil sa pagkamatay ng kanyang half-sister na si Nancy Motes.

Drug overdose ang sanhi ng pagyao ng 37-year old half-sister ni Julia at ng kapatid niyang si Eric Roberts. Natagpuang patay si Nancy sa bathroom ng kanyang bahay sa Los Angeles.

“It is with deep sadness that the family of Nancy Motes... confirms that she was found dead in Los Angeles yesterday of an apparent drug overdose,” ayon sa statement na nanggaling sa representative ni Julia Roberts.

“There is no official report from the Coroner’s office yet. The family is both shocked and devastated.”

Hindi nga um-attend si Julia ng Oscar luncheon dahil sa nangyaring ito sa kanyang half-sister. Isa sa nominees sa best supporting actress category si Julia para sa pelikulang August: Osage County.

Kasalukuyan ngang nagtatrabaho bilang production assistant si Motes sa show na Glee at ikakasal na sana ito sa kanyang fiancé na si John Dilbeck.

vuukle comment

ANG KUWENTO

BABAGWA

BADIL

BEST

CARLO AQUINO

IYON

JHONG HILARIO

JULIA ROBERTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with