^

Pang Movies

Pamilya ni Deniece gustong makilala si Vhong

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang ama, lola, at ninang ni Deniece Cornejo ang nagsalita sa Startalk tungkol sa gulo na kinasasangkutan ng dalaga.

Naniniwala ang mga kamag-anak ni Deniece na talagang biktima siya ng rape. Ang sabi ng lola ni Deniece, halos ikamatay niya ang nangyari sa kanyang apo.

Ang magsabi ng totoo ang apela ng pamilya ni Deniece kay Vhong Navarro na pinagbibintangan nila na sumira sa kanilang reputasyon. Sana raw, nakilala sila ni Vhong bago nangyari ang eskandalo.

Nakatakda sa February 14 ang preliminary hearing ng kaso nina Vhong, Deniece, at Cedric Lee.

Hindi magkakaharap ang tatlo dahil hindi pa handa si Vhong na makita nang personal ang mga nanakit sa kanya.

Si Atty. Alma Mallonga ang nag-request sa Department of Justice na sumpaan ni Vhong noong nakaraang Huwebes ang supplementary affidavit para hindi na sumipot ang kanyang kliyente sa February 14.

Sa rami nang petsa na puwedeng idaos ang preliminary hearing, talagang pumatak pa ito sa araw ng mga puso ‘ha? Parang nananadya ang tadhana ‘di ba?

Wally may trauma pa!

Nangako si Jose Manalo na tutulungan niya si Wally Bayola para bumalik ang saya nito. Naging malulungkutin si Wally mula nang masangkot  sa video scandal at ngayong nabigyan ng second chance  na bumalik sa  Eat Bulaga, nag-promise siya na aayu­sin ang kanyang buhay.

Hindi naman nagkulang si Jose ng pangaral kay Wally. Mismong si Wally ang nag-sorry kay Jose dahil hindi raw siya nakinig sa mga payo ng huli.

Sa tingin ni Jose, may trauma pa rin si Wally  at wish niya na magkaroon ng mga project ang kanyang ka-partner. Alam ni Jose na malaki ang nawala kay Wally nang dahil sa eskandalo na pumutok noong September 2013. Ang ingatan ang mga biyaya na natatanggap at ang trabaho ang mahigpit na bilin ni Jose kay Wally.

Aral sa lahat ang naging karanasan ni Wally at ng iba pang -involved sa video scandal tulad nina Chito Miranda, Neri Naig, Hayden Kho, Jr. etc. Huwag nang mag-experiment sa inyong mga private o intimate moments dahil hindi kayo nakasisiguro na hindi ‘yon lalabas at mapapanood ng sambayanang Pilipino.

Bumaha ng luha…

Bumaha ang luha sa telebisyon nitong mga nagdaan na araw dahil sa pambubugbog kay Vhong Navarro, ang pagpanaw ni Mang Gerry, ang pagkamatay ni Tado Jimenez, ang pagbabalik ni Wally Bayola sa Eat Bulaga at ang announcement na ikakasal na si Karylle sa susunod na buwan.

Sen. Chiz HK trip ang regalo kay Heart

Baka absent si Heart Evange­lista sa Startalk sa susunod sa Linggo dahil pupunta sila ni Senator Chiz Escudero sa Hong Kong.

Ang Hong Kong trip ang birthday gift ni Papa Chiz kay Heart. Siyempre, si Papa Chiz ang surprise  kay Heart sa birthday celebration nito kahapon sa Startalk.

Hindi sana pupunta si Papa Chiz dahil masama ang kanyang pakiramdam pero pinagbigyan din niya ang request ng Startalk staff.

vuukle comment

DENIECE

EAT BULAGA

KAY

PAPA CHIZ

STARTALK

VHONG

VHONG NAVARRO

WALLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with