^

Pang Movies

Sexy actress laos na ang mga gimik, sexy photos sa social media hindi na pinapansin

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Papansin ang tawag sa isang aktres na naging hobby na ang ilagay sa social media ang kanyang sexy photos.

Ang problema, dedma ang mga tao sa kanyang sexy pictures dahil hindi na bagay sa edad niya ang magpaseksi.

Trying hard at KSP (kulang sa pansin) na ang tingin sa aktres na ginagawa ang lahat para mapag-usapan. Hindi matanggap ng aktres na malamlam na ang ningning ng kanyang bituin at siya rin ang dapat sisihin.

Matagal na ang aktres sa showbiz pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya marunong umarte. Laos na laos na ang style ng kanyang acting. Sinayang niya ang malaking break na ipinagkatiwala ng mga mo­vie producer at television network.           

Boots nagpakilig nang magpahalik sa lips

May kilig factor ang interbyu kay Boots Anson-Roa at sa kanyang fiancé na si Atty. King Rodrigo.

Kinilig ang televiewers nang ipakita na hinalikan ni Atty. King si Mama Boots sa labi. Kung ibang babae ’yon, baka naloka sila sa eksena pero respetado si Mama Boots kaya happy ang lahat sa kanyang muling pagpapakasal.

Noong Jan. 30 ang 69th birthday ni Mama Boots. Hindi siya nagkaroon ng bonggang birthday party dahil pinanood niya ang Wicked sa Cultural Center of the Philippines. Siyempre, si Papa King ang date ni Mama Boots. Kasama rin sa panonood ng Wicked ang mga anak ng respected veteran actress na napapanood sa Rhodora X ng GMA 7.

Sinorpresa si Mama Boots ng co-stars niya sa taping ng Rhodora X. Binigyan siya ng cake at kinantahan ng birthday song.

Richard faithful pa rin sa misis

Na-meet ko kahapon sa Chinese New Year ni Richard Yap ang kanyang magandang misis na si Melody na dating flight attendant ng PAL (Philippine Airlines).

Maganda, intelihente, loving wife, at mother si Melody kaya may katuwiran si Richard na maging faithful sa kanya.

Madalas na kasama ni Richard si Melody sa kanyang mga lakad, pati na sa mga show niya sa ibang bansa.

Ideal couple ang dalawa na dapat tularan ng mga mag-asawa na hindi nagkakasundo sa maraming bagay. Kung ano ang karakter ni Richard sa Be Careful With My Heart, gano’n din ang ugali niya sa tunay na buhay. Responsible at loving husband siya sa kanyang misis.

Dalawa ang branch ng Wangfu sa Morato Avenue, Quezon City. Isa sa kanto ng Roces Avenue at isa sa IL Terrazo.

Ang Wangfu ang restaurant business nina Richard at Melody.  Tinanong ko sila kung bakit dalawa agad ang branch ng Wangfu. Ang sabi ni Richard, puro dimsum lang ang pagkain sa IL Terrazo branch at available naman sa Wangfu Roces/Morato branch ang lahat ng klase ng Chinese food.

Hindi nawawalan ng mga kostumer ang Wangfu. I should know dahil nakita ko na maraming kostumer ang IL Terrazo branch nang kumain ako sa isang Japanese restaurant pagkatapos ng interbyu ko kay MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Chairman Toto Villareal noong Huwebes.

Nagulat nga ako dahil hindi ko alam na dalawa na pala ang branch ng Wangfu at parehong sa Morato Avenue pa. May pagkakaiba naman pala, ayon sa explanation nina Richard at Melody.

vuukle comment

ANG WANGFU

BE CAREFUL WITH MY HEART

KANYANG

MAMA BOOTS

MORATO AVENUE

RHODORA X

RICHARD

TERRAZO

WANGFU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with