^

Pang Movies

Jodi nami-miss na ang indie

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Ang taong 2014 ay higit pang magiging masuwerte kay Jodi Santamaria dahil siya ang bagong endorser ng Alagang Flawless campaign. Bukod sa bonggang promosyon at print ads, higit pang sisikat ang aktres na nagpapasalamat sa Flawless lalo na sa Cell Booster Infusion Mask. Ito ang nababagay sa kanyang pagpapaganda dahil sa super hectic na taong ito.

Kahit puyat ay mukha pa rin siyang fresh, maalaga sa katawan kaya siya napili ni Rubby Sy na mag-endorso ng Flawless. Biro nga ng entertainment press, kung kailan pa siya nag-asawa, naging ina ni Thirdy, at nagkahiwalay ng dating asawa ay mas lalo pang bumongga ang kanyang career.

Malaking tulong sa kanya ang seryeng Be Careful With My Heart at dito niya naibubuhos ang buong panahon kaya nga nami-miss na niya ang paglabas sa pelikula lalo na sa indie films.

Bukod pa sa pagiging ina, artista, at endorser ay may tatlo pa itong food businesses pero naba-budget pa rin ang time para sa kanyang anak.

Paranormal naghasik ng katatakutan

Naging matagumpay ang premiere night ng Paranormal Activity: The Marked Ones at talagang nadama ng mga manonood ang matinding takot kaya naman sa simula hanggang wakas ay walang ginawa ang mga nanood kundi sumigaw nang sumigaw. Pero may ilang eksena ring katatawanan na inihalo sa horror movie.

Umiikot ang istorya sa misteryong bumabalot kay Jesse (Andrew Jacobs). Nagkaroon siya ng kakaibang kakayahan nang makagat sa braso ng isang tao.

Nagkaroon ng unti-unting pagbabago sa kanyang anyo at nawalan ng kontrol sa sarili. Sinasapian ito ng kung anu-anong kababalaghan. Ano kaya ang mangyayari sa kanya?

Abangan ang mga bumabalot na iba’t ibang misteryo sa bidang si Jesse. Palabas na ngayon ang Paranormal Activity: The Marked Ones mula sa United International Pictures at ini-release ng Solar Entertainment.

vuukle comment

ALAGANG FLAWLESS

ANDREW JACOBS

BE CAREFUL WITH MY HEART

BUKOD

CELL BOOSTER INFUSION MASK

JODI SANTAMARIA

MARKED ONES

NAGKAROON

PARANORMAL ACTIVITY

RUBBY SY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with