^

Pang Movies

Maricel nawalan na ng pag-asa sa Kapamilya

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nauntog na siguro sa katotohanan si Maricel Soriano na hindi siya mabibigyan ng project ng ABS-CBN kaya lumipat na siya sa GMA 7. 

“Gusto ko naman kasing ma-feel ang pakiramdam ng isang Kapuso,” rason ng Diamond Star.

Aabangan namin ang teleseryeng pagsasamahan nina Maricel at Marian Rivera dahil pinaplantsa pa raw ito.

Kris panay ang pasyal para makatisod ng magiging BF

Isang psychic ang nanghula kay Kris Aquino sa kanyang Kris TV na ngayong 2014 niya makikita ang isang negosyanteng binata na magiging special someone niya. 

Kaya siguro panay ang pasyal niya sa mga restaurant at sa iba’t ibang lugar sa kanyang show. Baka makita niya roon ang sinasabing negosyante.

Ryzza Mae Brazilian ang crush

Guest kamakailan sa The Ryzza Mae Show sina Christopher Roxas at Gladys Reyes. Ika-21 anniversary na pala ng dalawa. Fourteen si Gladys at 12 lang si Christopher noon nang magkita sila sa Mara Clara.

Panay ang tingin noon ni Gladys kay Christopher kaya “niligawan” niya ito o nagpapansin siya sa aktor. Ending, ikinasal sila at ngayon may tatlong anak na.  Half-French si Christopher kaya magaganda ang mga anak. Buti sa kanya nagmana ang mga bata!

Nang tanungin si Ryzza Mae Dizon kung type rin niya ang mga French, sagot ng matabil na bata, “Brazilian ang crush ko!”                                

vuukle comment

CHRISTOPHER ROXAS

DIAMOND STAR

GLADYS

GLADYS REYES

KRIS AQUINO

MARA CLARA

MARIAN RIVERA

MARICEL SORIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with