^

Pang Movies

Vhong inalayan ng dasal ng Showtime family

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Marami ang naawa sa pinoste na picture ni Vhong Navarro sa Facebook na ang mga kasama niya rin ang kumuha at kumalat na sa social media matapos mabugbog ang TV host-comedian nung Miyerkules pa. Black and blue nga ang mukha ni Vhong at maga pa rin ang kaliwang mata niya.

Pero lahat ay blangko pa rin kung ano ang totoong nangyari bukod sa kuwentong inimbitahan siya ng kanyang isang lady friend sa isang condo sa Bonifacio Global City sa Taguig City na piniringan, ginapos, at saka binugbog ng anim na lalaki. Hindi pa kasi masyadong makapagsalita ang aktor.

   Dahil sa marami ang nakisimpatya sa hitsura ni Vhong ay may “bugbugang” issue rin sa mga follower niya dahil may mga nag-click ng “like” sa picture ng komedyante na hindi lang siguro alam kung paano ie-express ang awa sa male celebrity. Ikinainis ng ibang followers na puwede namang sad icon ang ilagay. Depensa ng ilang nakabasa, nag-update lang daw sila sa kanilang idol. Pero bumuhos din ang mara-ming nanghihingi ng katarungan para sa komedyante — may kasalanan man o wala si Vhong — dahil sa sinapit nito.

Hindi lang si Vice Ganda ang sumisigaw ng hustisya para kay Vhong kundi buong It’s Showtime family. Nag-alay sila ng dasal bago nagsimula ang noontime show ng ABS-CBN kahapon.

Mommy ni Sharmaine instant artista!

’Buti pala at nagpilit ang mommy ni Sharmaine Arnaiz na si Candy Velasco na samahan siya sa shooting nito sa Talavera, Nueva Ecija nung ginagawa ng aktres ang Kamandag ni Venus kahit madaling araw pa sila umalis mula Manila. Iniwanan lang ni Mommy Candy ng maraming tubig at pagkain ang kitty litter ng kanyang napulot na half-Siamese breed na pusa ’tapos go na sila sa shooting ng anak.

Pagdating nila sa malayong bundok sa Talavera, nagkataong hindi nakarating si Isabel Lopez na gumaganap na nanay sana ng seksing si Rajah Montero sa indie movie. Imbes na ma-pack up ang shooting ay on the spot kinuha ng direktor na sina Dyzal Dmun at Karlo Montero ang mommy ni Sharmaine. Hindi naman sila nagkamali ng desisyon dahil noon pa man ay lumalabas na ito sa commercial ad at sa isang movie ni Phillip Salvador at ni Bunny Paras na anak din ni Mommy Candy. Inaral lang nito ang script at nagsilbing acting coah niya ang anak na si Sharmaine na bilin sa mommy niya ay huwag sayangin ang luha nito hanggang hindi nakatutok ang camera sa kanya.

In fairness sa mommy ni Sharmaine, one take lang lahat ng shots nito at nag-enjoy sa kanyang “beautiful experience” sa shooting ng Kamandag ni Venus. Nagmana lang daw siya sa kanyang award-winning actress na anak na si Sharmaine.

Premiere night ng Kamandag ni Venus sa Jan. 30 sa SM North Edsa (The Block), Quezon City.

vuukle comment

BONIFACIO GLOBAL CITY

BUNNY PARAS

CANDY VELASCO

DYZAL DMUN

ISABEL LOPEZ

KAMANDAG

MOMMY CANDY

SHARMAINE

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with