^

Pang Movies

Jolina walang gagastusin sa magiging baby!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Sa February pa ipanganganak ang baby boy nina  Jolina Magdangal at Mark Escueta, pero tiyak na kumpleto na ang mga gamit ng forthcoming son, dahil sa maraming shower parties hosted for him.

‘‘I am so lucky to have many generous friends,’’ say ni Jolens sa magkasusunod na Christmas and shower gatherings for the baby. Ilang months na kaya (o ilang taon) ang supply nito ng diapers, baby powder, lotion, and other supplies.

Surely meron na rin siyang mga gamit tulad ng baby bed, stroller, colorful rattles, toys, and even children’s books.

Naunang mag-host ng baby shower for Jolens si Regine Velasquez-Alcasid, sa house nila ni Ogie. May mga nakalista pang tendered by the Escueta, Gloc 9 and Rivermaya families!

Kung may mga ninong at ninang sina Jolina at Mark, baka pati ang gastos sa delivery ng baby sa maternity hospital, may sumagot na rin?

Aiza at Charice magkakaroon ng double wedding sa NY?!

Laging sinasabi ni Aiza Seguerra na ang best thing that happened to her last 2013 ay nang makilala si Liza Diño, ang kanyang partner.

‘‘Lahat ng bagay puwede kong i-confide sa kanya, even my darkest secrets (meron naman kaya?),’’ Aiza revealed. ‘‘Buo ang tiwala ko sa kanya, because we really love each other so much.’’

Kaya very inspired ang singer/actress sa pag­harap ng 2014. Bago matapos ang taon, nakatanggap pa siya ng dagdag na inspirasyon, for winning best supporting actress trophy at the 2013 MMFF awards.

Masasabing importante rin para kay Aiza ang co­ming out ni Charice Pempengco with her Alyssa. At least may ka-join na sila sa mga live concerts at ibang okasyon.

Magkaroon kaya ng double wedding ang dalawang pareha sa New York City this year?

Filmfest sa Bangladesh hindi kilala

Meron na rin palang international filmfest sa Bangladesh. Nagwagi bilang best actress sa Dhaka (capital city ng bansa) Filmfest for Ekstra si Gov. Vilma Santos.

A few decades ago, niyaya kaming sumama ng isang kaibigan, papuntang Dhaka, upang asikasuhin ang pagtatayo ng negosyo. Hindi kami sumama (kahit nag-promise na ipapasyal pa kami sa Hong Kong after the first destination). Kasi hindi pa namin alam ang madadatnan sa nasabing lugar, na hindi tiyak ang bilang ng mga sinehan!

Aktres bawal sapawan ng mga kaibigan

Ang first commandment sa pakikipagkaibigan ng aktres sa kanyang mga kap­wa artista, hindi siya maaring kabugin o sapawan ng eksena — sa harap man o likod ng camera.

Madalas dinadaan niya sa biro ang panlalait sa kung sino man ang sumapaw sa kanya. Sa ibang tao, nakakatawa ito. Sa mga pinatungkulan at kanilang closer friends, offensive ang masamang ugali ng unkaboggable actress!

There was a time na muntik na siyang buhusan ng mainit na noodles ng nainsultong co-star. Buti’t may pumigil lang sa dapat, sana’y putok na putok na mala­king eksena.

AIAI hindi mase-zero sa Valentine

Say ni AiAi delas Alas, masaya siya at nagkaroon ng non-violent ending ang kanilang stormy affair ni Jed Salang. Pero malungkot pa rin siya dahil hindi tulad ng ibang chicks, nagkaroon man ng matagal na relasyon, hindi naman sila naging punching bag.

Nakapagpatawad na ang kanyang badly bruised heart, pero hindi pa siya handang humarap at magkaroon ng heart-to-heart talk with her ex husband.

Malapit na ang Valentine at tiyak na hindi papayag na maging zerowena ang komedyana.

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

CHARICE PEMPENGCO

DHAKA

FILMFEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with