^

Pang Movies

Rafael Rossell parang si Chin Chin Gutierrez ang kalaliman

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Isa si Rafael Rosell sa mga aktor na napakalalim dahil mahilig siyang gumawa ng mga tula at artist talaga siya.

Si Rafael ang counterpart ni Chin Chin Gutierrez na napakalalim din. Pareho rin sila na mga nature lover. Ang pagkakaiba lang, hindi nakikipag-usap si Rafael sa mga puno at halaman.

Si Rafael ang love interest nina Camille Prats at Pauleen Luna sa The Borrowed Wife. Siya ang mhin na pag-aagawan ng dalawang babae. Sa tunay na buhay, never na makikipag-agawan ng boyfriend si Pauleen dahil happy siya sa piling ng kanyang dyowa na si Vic Sotto.

Kinikilig sa tuwa si Pauleen kapag pinupuri ni Bossing ang kanyang ac­ting talent. Hindi masabi ng aktres kung kailan ito pakakasalan ng kanyang dyowa pero mangyayari raw ’yon kapag binigyan na siya ni Bossing ng sing­sing.

Startalk tatapatan ang Buzz ng Bayan

Hindi naman nalungkot si Heart Evangelista nang sabihin sa kanya na ililipat sa araw ng Linggo ang Startalk. Natuwa pa nga yata si Heart dahil magkakasama na sila ni Sen. Chiz Escudero tuwing Sabado.

Kapag Linggo naman, puwedeng sunduin ni Papa Chiz si Heart sa studio ng Startalk para makapag-dinner sila together.

Aabutin na ng gabi ang Startalk dahil mapapanood ang aming show mula 4:00 p.m. hanggang 5:30 p.m. at makakatapat namin ang Buzz ng Bayan. Healthy competition ang mangyayari. Walang rivalry dahil love namin si Boy Abunda.

Kapuso stars sa Sinulog apektado ng magulong panahon

Malamig na mainit ang panahon sa Metro Manila at Luzon. Hindi natin nararamdaman na may malakas na bagyo sa Mindanao na nagdudulot ng malakas na ulan, pati sa Visayas.

Naranasan ng mga artista na nag-join sa Sinulog Festival sa Cebu City ang walang patid na pag-ulan.

Nagpunta sa Cebu City ang mga artista ng mga bagong primetime show ng GMA 7 para mag-promote. Kumpleto ang cast ng Carmela, Ang Pina­kamagandang Babae sa Mundong Ibabaw at Rhodora X.

Tuwang-tuwa ang mga Cebuano dahil nabigyan sila ng pagkakataon na makita nang personal ang mga sikat na artista ng Kapuso Network.                                            

Rocco at Lovi aamin na sa relasyon

Hindi ko napanood kahapon sa 24 Oras ang balita na may aaminin daw si Rocco Nacino tungkol sa kanila ni Lovi Poe.

Ang hula ko, aaminin ni Rocco na nililigawan na niya si Lovi dahil hindi naman puwede na aminin niya na mag-dyowa na sila.

 Isang malapit kay Rocco ang nagkuwento sa akin na boyfriend na siya ni Lovi na very secretive sa love life. Huwag na tayong mag-expect na aaminin ng dalawa na mag-dyowa sila dahil masikreto nga ang aktres. Tama na ’yung alam ni Rocco ang lugar niya sa puso ng kanyang girlfriend.

  Dati nang magkaibigan ang dalawa at lalo silang naging close sa isa’t isa nang magkasama sila sa Akin Pa Rin ang Bukas. Safe na sabihin na nabuo ang love affair nina Lovi at Rocco sa set ng kanilang dating teleserye.

 

vuukle comment

AKIN PA RIN

ANG PINA

CEBU CITY

DAHIL

LOVI

ROCCO

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with