^

Pang Movies

2 1/2 years na palang walang BF Ruffa inuudyukan ng mga anak na balikan si Yilmaz

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mahigit dalawang taon at kalahati na palang single ang beauty queen, aktres at TV host na si Ruffa Gutierrez pero ngayong 2014, Year of the Horse ay naniniwala siya lucky year ito pagdating sa kanyang love life.

At kahit successful na siya sa ibang bagay partikular na sa kanyang career, bukod sa kanyang dalawang anak na sina Lorin at Venice ay naniniwala siyang kailangan pa rin niya ng inspirasyon at makakasama sa buhay.

 â€œFeeling ko ngayong 2014, dadating na ‘yung love life ko. I don’t know, I just feel it. Hindi ko alam kung Mr. Right, sana siya na ‘yung Mr. Right. Two years and six months wala akong love life so feeling ko kailangan namang may inspirasyon,” pahayag ni Ruffa.

Hindi naman daw niya problema ang dalawang anak dahil suportado siya nito pagdating sa kanyang lovelife, minsan nga raw ay inuudyukan pa siyang makipagbalikan na sa ama nila na si Yilmaz Bektas.

“Hindi naman nila ako pine-pressure pero there are times na gusto nila makipagbalikan ako sa daddy nila. There are times naman na gusto nila makahanap na ako ng love. Pero kapag nakikita nila na Yilmaz and I are talking again, ‘Oh I hope you and Babba can be a family again,’” kuwento pa niya.

 â€œMedyo confused pa sila sa aspetong iyon. But I know that deep down in their hearts, they just want me to be happy. Whatever makes me happy, I’m sure hindi naman din ako magpapakilala ng isang tao sa kanila na alam kong hindi ako sure,” dagdag pa ni Ruffa.

Sambit pa ni Ruffa, paninindigan daw niya ang kanyang mantra ngayong taong ito na “not settle for anything less than what you truly deserve.”

Nang matanong kung may plano na ba siya sa darating na Valentine’s Day, sagot ni Ruffa... “Hindi ko pa alam. Let’s see what’s going to happen in February kasi alam ko shooting and it will be very busy so depende pa. I am just so confident that this will be a very good year.”    (MARY ROSE G. ANTAZO)

vuukle comment

BABBA

BUT I

MR. RIGHT

OH I

RUFFA

RUFFA GUTIERREZ

YEAR OF THE HORSE

YILMAZ AND I

YILMAZ BEKTAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with