^

Pang Movies

Pacman, James Yap, Teng brothers ka-join sa Palarong Pambansa

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

 Magsisimulang maganap ang isa na namang historical moment ng Laguna province dahil sa memorandum of agreement sa pangunguna ni Gov. ER Ejercito at ng Department of Education (DepEd) - magkakaroon ng kauna-unahang Palarong Pambansa 2014 ang lalawigan ng Laguna. Bilang host ang Laguna, magiging punong abala ang actor-politician sa napakalaking palaro na lalahukan ng  libu-libong athletes, coaches, at opisyales mula sa 17 regions ng Pilipinas na makikipagpaligsahan ng kanilang talento sa larangan ng sports at magaganap ito sa Mayo sa Sports Complex.

Tiyak lalong pag-uusapan ang Laguna kasi sapul nang maging siya ang ama ng lalawigan ay nagkaroon na ito ng malaking pagbabago sa kagandahan ng six cities at 24 municipalities at malawakang kabuhayan ng disiplinadong mamamayan.

Ipinangako ni Gov. ER na magiging matagumpay ang Palarong Pambansa 2014 sa ilalim ng kanyang administrasyon. Malaking tulong din kasi ito sa kanilang mamamayan para sa kanilang kabuhayan. Gagawin din niya ang lahat para sa unang araw o opening ng Palarong Pambansa ay dadalo ang mga kaibigan niyang sikat na celebrities sa larangan ng sports tulad ng Teng Brothers, James Yap, Cong. Manny Pacquiao, at iba pa.

Sama ng loob ni AiAi naka-relate din ang ibang namatayan

Feel na feel ng isang katoto ang heartache ni AiAi delas Alas ng mamatay ang kanyang ina recently (pahabol na condolences) dahil ang inaasahang very close friend niya ay hindi man lang dumalaw sa burol at makiramay sa kanya.

Ganyan kasi ang nangyari sa katotong ito nang mamatay ang madir niya. Sama raw ng loob niya sa mga hindi nakapunta. Rest in peace sa inyong mga mother at kasama na rin si Mrs. Amanda Reyes na ina ng hair and beauty guru na si Ricky Reyes na matagal-tagal na ring namayapa pero never ending ang aming dasal.

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

JAMES YAP

MRS. AMANDA REYES

PALARONG PAMBANSA

RICKY REYES

SAMA

SPORTS COMPLEX

TENG BROTHERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with