^

Pang Movies

Sexy starlet hiyang-hiya sa inasal ng jologs na bf sa female TV host

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi nagustuhan ng female TV host ang hindi magandang ugali ng non-showbiz boyfriend ng isang sexy starlet. Naging guest kasi si sexy starlet sa isang show at nakasabay niya ang female TV host.

Proud pa naman daw si sexy starlet na ipakilala nito ang kanyang boyfriend sa lahat ng mga tao sa studio, kabilang na nga si TV host.

Naloka lang si female TV host dahil noong ipakilala sa kanya ang boyfriend, hindi man lang daw ito tumayo bilang paggalang. Ang ginawa lang daw ay tiningnan si female TV host at tumango lang.

Ang ginawa ng female TV host ay siya ang tumayo at nag-extend ng kanyang kamay para batiin ang boyfriend ng sexy starlet. Ipinakita lang niya kung paano maging magalang kapag ipinapakilala ang isang tao.

Mukhang napahiya ang boyfriend kaya tumayo ito at nakikamay na. Pero ang ginamit na kamay nito ay ang kaliwang kamay at may nakaipit pang sigarilyo.

Nag-amoy yosi tuloy ang kamay ng female TV host at agad itong pumunta ng ladies room para maghugas ng kamay.

Sa sobrang hiya ni sexy starlet ay hindi na muna nagpakita sa female TV host at sinabihan ang boyfriend nito na umalis muna at balikan na lang siya pagkatapos ng taping.

Lumapit si sexy starlet kay female TV host after ng taping at nag-sorry ito sa inasal ng jologs niyang boyfriend.

Wala lang naman iyon kay female TV host dahil sanay na siya sa ugaling gano’n ng ibang tao. Kaya proper lang daw na ipakita niya ang tamang pagbigay galang sa ibang tao.

Dahil sa nangyari, nangako si sexy starlet na hindi na dadalhin ang BF na jologs dahil siya tuloy ang napapahiya.

Beth Tamayo araw-araw pumapasok sa trabaho, patung-patong ang damit sa sobrang ginaw sa NYC

Isa ang aktres na si Beth Tamayo sa nahihirapan ngayon sa New York City dahil sa matinding lamig ngayon sa US dala ng tinatawag na Polar Vortex.

Ang Polar Vortex ay ang matinding arctic cyclone na nanggagaling sa North Pole. Naging bullseye nito ang United States of America, particularly ang mga mid-states dahil doon dumaraan ang saksakan na lamig na hangin na sinasabayan pa ng matinding snow storm.

Nakausap namin si Beth via private messaging sa Facebook ay nagulat nga siya sa grabeng pagdating ng Polar Vortex sa pagpasok ng bagong taon.

“OA ang salubong ng New Year dito kasi sobrang lamig! Anyway, so far, I am doing okay naman. Sobrang layering ang ginagawa ko and ‘pag sinabing BUNDLE UP, aba’y para talaga kaming binalot na suman.

“Lahat ng exposed parts mo gusto mong takpan. Some people na nakakasalubong ko naka-face mask na nga eh.

“First time ko to experience this. Aside from the fact na winter dito kaya talagang malamig na to start with. Mas grabe lang talaga ‘yung lamig kase may malakas na hangin na kung tawagin ay wind chill na sumasabay,” paliwanag ng dating aktres sa weather condition nila.

Kahit na sobra ang lamig ay pumapasok pa rin sa kanyang trabaho si Beth. Kung hindi raw importante ang lakad, hindi siya lumalabas ng bahay.

“I go to work every day. So, like what I’ve said, dressing up in layers helps. Then, if hindi naman necessary to go out, I’d rather stay indoors just to spare me from the cold.

“Thank God may heater din sa place ko. So closed muna lahat ng windows,” sabi ni Beth.

Dasal lang ni Beth na matapos na ang winter season para hindi na sila magdusa lahat sa matinding lamig. Iniisip nga niya na magbakasyon muna kung saan mainit para makawala lang sa lamig.

“It’s winter season eh. Wala naman talaga kaming magagawa. Konting months na lang naman at spring na. So we are looking forward to that,” dagdag ni Beth.

“I got some FB messages from family and friends, nangangamusta lang. Alam din kasi nila na mahina ako sa cold weather eh. Sabi ko naman no need to worry. Okay naman ako. Trying everything we can to stay warm.”

vuukle comment

ANG POLAR VORTEX

BETH

BETH TAMAYO

BOYFRIEND

FEMALE

HOST

LANG

NAMAN

POLAR VORTEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with