^

Pang Movies

Young actor na tuloy ang pagre-rehab hindi pa rin inilalaglag ng manager

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa rehabilitation pa rin pala ang magaling at guwapong young actor. Droga ang dahilan ng pagka-rehab ng aktor na hindi kinaya ang personal na problema.

Kaya naman ipinahiram na ng kanyang manager ‘yung sasakyan niyang gamit dati ng aktor sa kanyang bagong alaga pati na ang condo niya na tinirhan ng young actor. Eh, gumagamit din ng droga ang bagong alaga pero ang maganda, hindi niya pinababayaan ang kanyang trabaho.

Kahit nasa rehab pa ang isang alaga, suportado pa rin niya ito na laging binibisita tuwing may chance.  Alam kasi ng manager na magaling na artista ang talent kaya nagtitiis siyang tulungan ito dahil alam niyang puwede pa siyang bumalik sa showbiz.

Pero sa mga bars muna ni Allan K Wally Bayola kakayod na uli!

Habang waiting pa ang lahat sa pagbabalik ni Wally Bayola sa Eat Bulaga, isasalang muna siya sa primetime sa darating na araw sa Zirkoh at Klownz Comedy Bar. Eh, welcome naman sa may-ari ng comedy bars na si Allan K ang Dabarkads dahil bilib siya sa talento nito.

Siyempre nga lang, hindi muna magsosolo si Wally sa pagsampa sa stage na tulad nang dati. Para hindi naman siya tablan ng hiya, sasamahan muna siya ng kapareha sa stage.

Surprise muna kung kelan ang set ni Wally sa comedy bars, huh!

vuukle comment

ALAM

ALLAN K

ALLAN K WALLY BAYOLA

DABARKADS

DROGA

EAT BULAGA

HABANG

KAHIT

KLOWNZ COMEDY BAR

WALLY BAYOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with