^

Pang Movies

Aktres panay ang tanggi sa kasal, mas gusting may ibang natitikman

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ilang beses nang niyayang magpakasal ng kanyang non-showbiz boyfriend ang sexy actress. Pero ilang beses na rin siyang tumanggi dahil ayaw niyang makaramdam ng guilt kapag naging misis na siya ng kanyang boyfriend. Inamin ng sexy actress na kahit na nasa isang relasyon siya, nagagawa pa rin niyang makipagkita sa ibang mga lalaki at umaabot pa sila sa kama.

Minsan daw ay mga kaibigan pa raw ng kanyang non-showbiz boyfriend ang kinakalantari niya at tahimik na lang sila sa mga nagaganap. Para ngang ipinaglihi sa higad sa sobrang kati ng sexy actress. Nakilala naman daw siya ng kanyang boyfriend dahil sa pagiging makati niya. Barkada nga ang boyfriend niya ngayon ng dati niyang boyfriend din na medyo may edad sa kanya.

Noong may mangyari sa kanila ay na-in love ito sa kanya at hindi na siya pinakawalan. Nakipagkalas si sexy actress sa dati niyang boyfriend at sila na nga ang nagsama.

Ngayon ay tila sineseryoso na siya ng kanyang present boyfriend at handa siyang iharap sa dambana. Si sexy actress nga lang daw ang hesitant dahil alam niyang masasaktan lang niya ang kanyang magiging future husband.

At saka naisip din ng sexy actress na kapag nagpakasal siya sa kanyang boyfriend ngayon, parang nagpatali na siya at marami na siyang hindi na puwedeng gawin dahil nga legal na mag-asawa na sila. Baka kapag gumawa siya ng kalandian niya, puwede siyang hiwalayan nito.

 Kaya ilang beses na siyang nagsabi ng “no” sa pagpapakasal. Hindi raw siya magpapatali hanggang hindi pa siya sawa sa kakatikim ng iba’t ibang lalaki.

Wally nakakuha ng maraming kakampi

Agree na si Eugene Domingo na kaila­ngang mag-apologize ng maayos si Wally Bayola dahil sa kumalat na sex video niya kasama ang isang dancer ng EB Babes noong nakaraang taon.

Dahil nga sa naturang sex video ay nawalan ng trabaho si Wally sa Eat Bulaga at pati na sa Celebrity Bluff.

 Isa nga si Uge sa mga nakaka-miss kay Wally dahil matagal niyang nakatrabaho ito. Dasal nga niya na makabalik na ito sa trabaho.

“It’s always good naman to be mas mapagkumbaba. Wala namang taong hindi nabibigyan ng pangalawang pagkakataon sa buhay,” saad ni Uge.

Para naman sa komedyanteng si Michael V., malaki ang kontribusyon ni Wally sa anumang TV show na sinasalihan nito dahil sa husay nitong magpatawa. Sana raw ay makabalik na ang kapwa komedyante dahil marami na ang naghihintay sa kanya.

“Siguro biased ako kasi kaibigan ko siya at kasama sa industry but if you close your eyes to that incident, ang daming nagagawa ni Wally, ang dami niyang napapaligaya. Ang dami ring tuloy na nade-deprive ng kakayanan ni Wally just because of that,” diin ni Bitoy.

Sa isang interview naman ni Vic Sotto, heto ang kanyang sinabi tungkol kay Wally ay sa hangad nitong makabalik sa trabaho.

“For me personally okay lang naman but he has to apologize. I think people will understand. Alam ko naman mapagpatawad ang Pilipino,” sabi ni Bossing Vic.

Kesha ipinasok ang sarili sa rehab dahil sa eating disorder

Pumasok sa isang rehab facility ang singer na si Kesha dahil sa kanyang eating disorder.

Naka-confine si Kesha sa Timberline Knolls in Chicago, same rehab facility na pinasukan ni Demi Lovato para magamot ang kanyang sakit.

Isang vegetarian si Kesha at gusto niyang maayos ang kanyang sakit bago pa ito lumala.

“I’m a crusader for being yourself and loving yourself but I’ve found it hard to practice. 

“I’ll be unavailable for the next thirty days, seeking treatment for my eating disorder... to learn to love myself again, exactly as I am,” pahayag ni Kesha sa TMZ.

Marami na ang nakapansin sa sobrang kapayatan ni Kesha nang i-release ang bagong music video niya with Pitbull, ang Timber.

vuukle comment

BOSSING VIC

BOYFRIEND

DAHIL

KANYANG

KESHA

NIYA

NIYANG

SIYA

WALLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with