^

Pang Movies

Boobs ni Kim nilalait na hindi kakasya sa costume ng sirena

MASA....RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Ang fans ni Maja Salvador very vocal sa pamimintas kay Kim Chiu na hindi bagay maging Dyesebel. Una, ayaw nilang pumayag na isang mestisang Tsinay ang bagong prinsesita ng dagat.

Opinyon nila, wala sa isip ng yumaong si Uncle Mars Ravelo na maging Tsinay si Dyesebel. Isang valid reason sa kanilang pagtutol, walang magandang katawan si Chiu upang magsuot ng isang sexy costume.

“Ano kaya ang tatakpan ng dalawang kabibe at mahabang buhok (puwedeng wig)? Kim is definitely not that sexy,” say ng mga naiinggit na tagahanga. “Hindi pa well-developed ang body ng young actress for such a sexy character.”

Naku, huwag sanang pilitin, kung hindi puwede. Baka sabihin ng mga utaw, TVH (trying very hard) si Kim.

Doon ka na lang sa swimming pool, maglalangoy kasama sina Kitang at Banak.

Alden Richards napiling Most Promising Male star ng 2014

Maraming mga kaibigang showbiz writers ang pumili kay Alden Richards as most promising male star of 2014. Sabi nila, lahat ng big, good breaks ay nakukuha ng aktor.

Simula pa lang ang pagiging leading man niya kay Marian Rivera sa forthcoming Carmela. The whole year round, nakaplanong mabuti ang kanyang career. Kung magsisipag siya at magagampanang lahat ang hectic schedule for the new year, malamang na sumibol muli ang isang popular male actor sa hanay ng mga Kapuso contract star.

Angel at Maja bet na bet sa Taon ng Kabayo

Sa mga first teledrama and new TV shows ng mga network makikita natin kung sino ang mga contract artist nilang pinagkakatiwalaan. Mahirap kasing bigyan ng assignment ang isang artista kung hindi naman kukuha ng mataas na rating on the first quarter of 2014.

There is no doubt that Angel Locsin and Maja Salvador are Kapamilya’s two of biggest bets this 2014.

Aktres hindi naaktuhan ang BF na may karelasyong GRO

Nakagugulat naman ang chika na ang tunay na actress-girlfriend ng aktor na nahuhumaling sa isang GRO ay nag-disguise upang magmanman sa nitespot na sinasabing madalas puntahan ng kanyang boyfriend.

Ilang gabi siyang nakabalatkayong paminta na nagbabalik-balik sa night club. Wala siyang nakitang boyfriend. Kahit saglit hindi sumipot doon ang pinaghihinalaan. Kaya ang conclusion niya, sinisiraan lang talaga ang kanyang mahal.

Baka naman hindi na nagwo-work doon ang other woman. Malay ninyo, ginarahe na ng aktor.

Coco ayaw nang pagurin ang katawan

Ayos lang kay Coco Martin na hindi ma­ging sunud-sunod ang kanyang mga assignment this 2014. Gusto niyang magkaroon naman ng pahinga in between big projects.

“Importante kasi ang kalusugan kaya dapat pangalagaan ang sariling katawan,” say ni Coco. “If one is really healthy, kahit magtrabaho siya ng husto, makakayanan at hindi siya magkakasakit.”

Ang tanong ng fans, matuloy na kaya this 2014 ang balak na movie nila ni Nora Aunor? Pareho silang mahusay umarte, kaya dapat totoong magandang story/script ang maisulat para sa kanila.

Heart todo deny sa kasalan, pinagdududahan na tuloy

Naka-display na sa kanyang daliri ang diamond ring na bigay ni Sen. Chiz Escudero kay Heart Evangelista.

Kahit proud ang aktres sa pagsusuot ng expensive ring, tuloy ang denial niya na she and the senator are not yet engaged. Hindi pa nila napag-usapan ang pagpapakasal, kahit minsan.

Seryoso nga ba sila sa kanilang relasyon?

Megan excited na uling mag-showbiz

Desidido si Megan Young na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career, after her Miss World reign. Kahit abala sa maraming fund-raising projects all over the world, alam na ng unang Pinay na nagsuot ng blue crown ang kanyang priorities, pagbabalik sa eksena ng local showbiz scene.

Malay natin, baka may mga pinirmahan na siyang mga project, na agad sisimulan kapag isinalin na niya ang korona.

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANGEL LOCSIN AND MAJA SALVADOR

CHIZ ESCUDERO

COCO MARTIN

KAHIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with