^

Pang Movies

Kuratong ni Robin... isang taon nabitin

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Noong 2012 Christmas party for the press ni Robin Padilla, pinalabas niya sa amin ang video tungkol sa tunay na buhay ni Kuratong Baleleng, isang Moslem chieftain na mahal ng taga-Mindanao, pati ang ilang bahagi ng paggawa ng isang pelikula tungkol dito nagkaroon din ng screenings.

Mabilis na natapos ang 2013 pero ang natapos na pelikula ni Binoe na 10,000 Hours ang best film sa 39th Metro Manila Film Festival.

Ano na kaya ang nangyari sa kanyang pet project? Feeling ng industry insiders, higit na malakas ang box-office appeal ng isang Kuratong Baleleng film. Nakatatak pa sa isip ng mga tao ang ilang nasangkot sa mga krimen sa Metro Manila at sa iba pang panig ng bansa.

Ang akala natin, involved si Kuratong Baleleng sa mga krimen. Isa pala siyang dakilang bayani sa Mindanao at marami siyang nagawang kabutihan doon. Ang maselang tema ang papaksain ng pelikula ni Robin Padilla kaya tiyak na mahihirapang ma-approve ng Movie and Television and Review Classification Board (MTRCB) kahit sa script pa lang.

Very liberal naman ang nasa Board ngayon kaya’t kung karapat-dapat agad naman nilang bibigyan ng go signal ang Kuratong Baleleng.

Well, ibang-iba naman ang Kuratong Baleleng Gang sa tunay na si Kuratong Baleleng.

Ex-wife ni Sen. Koko busy sa Rotary

Higit na gumanda ang dating Bb. Pilipinas na si Jewel May Lobaton nang makausap namin sa isang get-together she hosted for the Philippine Movie Press Club in her family-owned Asya restaurant in Centris sa Quezon City last Sunday.

Nandoon din ang kanilang two sons nila ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na ang panganay ay lookalike ng kanyang daddy.

Bukod sa Asya restaurant, may mga negosyo, at abala rin sa civic and charitable activities, si Jewel May ang current president ng District 381-Manila Rotary Club at noong August lang sila nag-induction with Sen. Ramon Revilla, Jr. as inducting officer.

Mga baklang TV execs at staff nagbukod ng party, mga napiling bed partners may kapalit na big role

Nagkaroon pala ng bukod na Christmas party ang lahat ng mga executive na bading with their baklesh staff! Ibang-iba ang kanilang gathering dahil pawang mga pogi ang special guests.

Lahat gustong manalo ng isang game, na ang premyo ay isang handsome actor ng network na makakapiling ng isang gabi! Magkano naman kaya ang bayad sa artista upang pumayag na maging siya ang jackpot?

Ang say nila, libre lang. Sinigurado naman ng mga bading na executives na magkakaroon siya ng big role sa isang big-budget teleserye this 2014.

Sana magkuwento ang nagwagi kung ano ang naganap sa kanila sa buong magdamag.

 

vuukle comment

ASYA

ISANG

JEWEL MAY

JEWEL MAY LOBATON

KURATONG BALELENG

KURATONG BALELENG GANG

MANILA ROTARY CLUB

METRO MANILA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with