^

Pang Movies

James natiyempuhan sa parada si Bimby, pero hanggang picture lang sa anak

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kahit may mga isyung hindi masyadong pabor si James Yap sa pag-aartista ng kanyang anak na si James “Bimby” Aquino Yap, Jr. ay nakakatuwa namang nagpaha­yag pa rin ng suporta ang basketbolista sa pelikulang My Little Bossings.

Nakunan pa ng picture ni James ang anak habang nasa float last Sunday sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars at ipinoste niya sa Instagram.

Nagkataong nasa Roxas Boulevard, Manila pala ang ex-husband ni Kris Aquino habang dumadaan doon ang parada. “After having lunch at Diamond Hotel, look who’s also here in the area... nice coincidence. Please support My Little Bossings showing this Dec. 25,” post ni James sa kanyang Instagram account.

Well, we’re sure, mas lalo ikaka-proud ni James ang anak kapag napanood ang My Little Bossings dahil pagkaguwapu-gwapo ng anak niya in the film at artistahin talaga ang dating aside from the fact na bida talaga ang bagets along with Vic Sotto and Ryzza Mae Dizon.

Kathryn maglalabas ng nilalaman ng puso

Matapos ang pag-amin kamakailan ni Daniel Padilla sa Buzz ng Bayan kung gaano siya ka-confident sa posisyon niya sa puso ng kanyang ka-love team ay si Kathryn Bernardo naman ang buong tapang na magpapahayag ng nilalaman ng kanyang puso sa My Only Radio (MOR) 101.9 For Life! at MOR TV (www.MOR1019.com) ngayong Sabado (Disyembre 28).

“Maraming meron si DJ (Daniel) na wala ’yung ibang boys. Hindi siya ’yung typical guy na pa-cute at conscious sa sarili. Very mysterious siya at astig — medyo bad boy nga,” sabi ni Kathryn. “Gusto ko ’yung pagiging totoo niya. Prangka siyang tao pero hindi sa masamang paraan. Kung malungkot siya, malungkot siya. Kung galit siya, galit. Hindi siya showbiz.”

John Lloyd at Toni kinontra ang ‘pagpalit’ sa Dolphy at Nida

Sinasabing ang bagong sitcom nina John Lloyd Cruz and Toni Gonzaga ang papalit sa John En Marsha pero, ayon sa dalawang lead stars ng Home, Sweetie Home, wala naman daw puwedeng makapalit sa sitcom na matagal na pinagbidahan nina Dolphy at Nida Blanca.

“Parang imposible namang mangyari ’yun,” say ni Lloydie. “Kagaya nga ng sinasabi ko, sila kasi ang nag-represent ng typical Pinoy household eh.

“So, ‘yung aming household, hindi rin naman malayo sa typical na Pinoy household na ‘yung biyenan mo, kasama mo sa bahay, isang bahay kayo lahat, nagkakagulo.

“So, hindi rin siguro imposible na maihalintulad ’yung household na meron ang Home Sweetie Home sa household nina Mang Dolphy.”

Ayon naman kay Toni, history na raw sa Philippine television ang nai-contribute ng John En Marsha habang sila naman ay magsisimula pa lang.

“’Yung sa amin ho, siguro, the sitcom was inspired with the show pero we don’t want to claim na we are the new replacement or we want to be the next. We just want to be our own brand na Home Sweetie Home,” pahayag ni Toni.

vuukle comment

AQUINO YAP

DANIEL PADILLA

DIAMOND HOTEL

DOLPHY

FOR LIFE

HOME SWEETIE HOME

JOHN EN MARSHA

MY LITTLE BOSSINGS

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with