^

Pang Movies

Louise, patay na patay kay Tom

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Kahit boyfriend na ni Louise delos Reyes si Enzo Pineda very vocal pa rin ito sa pagsasa­bing crush niya si Tom Rodriguez dahil bukod sa napakaguwapo ay magaling itong umarte at magpinta.

Minsang nagkita silang dalawa sa isang event ay biglaan siyang ipininta nito gamit ang charcoal. Habang nakatingin siya rito ay mabilis naman sa pagguhit ang aktor at nang matapos ay ibinigay sa kanya ang charcoal drawing nito. Humanga ang aktres dahil kamukha niya ang ipininta ni Tom.

Hindi naman nababakante sa telebisyon si Louise at pagkatapos ng Mundo Mo’y Akin ay mainstay ito sa Sunday All Stars. May pelikula siyang ginagawa titled Basement ng GMA Films na ipalalabas sa darating na Pebrero.

Matatag ang love team nila ni Alden Richard at never siyang naging dahilan para magselos ang nobyo.

Ano ang advantage at disadvantage kapag artista ang nobyo?

‘‘Siyempre ang advantage lagi kayong nagkikita laluna kapag magkasama sa isang project gaya ni Enzo na kasama ko rin sa Basement. Ang disadvantage lang kapag nagselos ang isa sa inyo ay baka maapektuhan ang trabaho.’’

Three years nang magnobyo sina Enzo at Louise at limang buwan din nag-cool off pero nagkabalikan din. Gusto niyang makasama sa isang action movie ang nobyo dahil marami itong alam laluna sa martial arts kaya siyang protektahan nito.

Benito, matikuloso

Magaling ang director na si Benito Bautista ng Mumbai Love. Narun kami sa last shooting day ng pelikula kung saan napatunayan namin kung gaano ito kametikuloso kaya naman humahakot ng award sa international scene gaya ng kanyang Samuel Over the Rainbow at Harana.

Bilang director ng Mumbai Love mabusisi ito para mapaganda ang pelikula. Kinunan ang eksenang ikakasal ang mga bidang si Solenn Heussaff at Kiko Matos sa Indian rites.

Paulit-ulit na kinunan ang eksena kung saan gusto niyang ma-perfect ang galaw kahit ng mga mata habang nagtititigan sila kung saan kahit ang mga manonood ay mararamdaman na in-love sila sa isa’t isa. Pinalakpakan ang dalawa matapos ang wedding scene.

 

vuukle comment

ALDEN RICHARD

BENITO BAUTISTA

ENZO

ENZO PINEDA

KIKO MATOS

MUMBAI LOVE

MUNDO MO

SAMUEL OVER THE RAINBOW

SOLENN HEUSSAFF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with