^

Pang Movies

Aktor inuna pang iligtas ang mamahaling bag kesa sa aktres na nahulog sa upuan

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Nagulat ang lahat nang mahulog sa kinau­upuan ang magandang aktres habang katabi niya ang partner na handsome actor. Ang una kasing sinaklolohan ng menchu ay ang mamahaling bag ng partner! Hindi man lang tinulungang makatayo ang girl!

Siguro that time lang nakahawak ng very expensive, signature bag ang aktor!

Lasenggang aktres muntik maghubad sa isang sosyal na okasyon!

Kahit laging escorted ng kanyang boyfriend ang lasenggang aktres, inaabangan ang kanyang pagwawala kung lango na sa alcohol.

Minsan sa isang sosyal na okasyon, diretso agad siya sa bar upang lumaklak nang lumaklak ng favo­rite drinks niya. After a few minutes, hatak na niya sa dance floor ang kanyang partner.

Nang makita ng aktor na magsisimula nang mag-strip ang kapareha, siya naman ang humila rito palabas ng venue. Buti naagapan, nakahanda na ang mga camera!

Aktres walang maikuwento sa ‘duty free’ na ex-BF

Umiiwas pa rin ang aktres na ikuwento kung bakit naghiwalay sila ng mukhang very delicious boyfriend. Say nila, kaya tahimik ang girl, wala naman talagang mapag-uusapan.

Kung akala ng ibang babae at bading sa buhay ng aktor ay dakila siya, nagkamali lahat sila. Kaya ngayon ay tinatanggihan na siya ng mga rich baklesh, alam na nila ang pagka-duty free ng aktor.

KC tini-test kung sino ang magtitiyagang manliligaw

Aminado si KC Concepcion na nag-aksaya siya ng oras sa mga maling napili niyang boyfriend.

Super ingat ang premyadong aktres ngayon, kaya lahat ng kanyang suitors, matagal ang getting-to-know stage between them. Kung sino ang mainip, marami namang pagbabalingan ng atensiyon.

Kung may isa lang na hindi nagmamadali, okay na kay KC.

Goma never hihingi ng payo kina Joey at John

Nagsalita na ng patapos si Richard Gomez. Never siyang hihingi ng payo sa best friends na sina Joey Marquez at John Estrada.

“Baka kasi madagdagan pa ang asawa ko. Okay na sa akin si Lucy (Torres),” sabi ng aktor.

Demi at Ashton namroblema sa hatian ng ari-arian na $300M

Umabot ng mahigit dalawang taon ang divorce proceedings nina Demi Moore at Ashton Kutcher, bago maging official na ang kanilang divorce. Tumagal ito dahil nahirapan silang magkasundo kung paano hahatiin ang $300 million nilang properties.

Siyempre higit na maraming kinita si Demi who is 51 years old at mahigit 20 taon ang tanda kay Ashton. Puwede nang pakasalan ng aktor ang kanyang girlfriend na si Mila Kunis.

Lea gumawa ng sariling playlist sa anniversary concert

Ang live concert na Playlist ni Lea Salonga ay ang pagdiriwang ng kanyang 35 years in showbiz. Nagsimula as a child performer ang international star kaya she is not that old.

Ang show with Rachelle Ann Go and Mitoy Yonting (1st Voice of the Phi­lippines champion) as guests will be staged at the PICC Plenary Hall, Dec. 6 and 7, with Lea’s brother Gerald Salonga as musical director.

All the songs in Playlist are Lea’s own choices, so she hopes that her fans will like all of them.

Galing ni Cherie Gil aabot sa ibang bansa

Ang The Rapist na bida sina Cherie Gil at Marco Morales, gawa ng isang filmmaker na si Diana Ventura, ay mapapanood online starting Dec. 6. From then on it will be shown for a month by Viddsee, a Singaporean-based company.

Hinangaan sa iba’t ibang international filmfests ang The Rapist at ipinalabas na ito sa New York before its Asian showing.

vuukle comment

ANG THE RAPIST

ASHTON

ASHTON KUTCHER

CENTER

CHERIE GIL

DEMI MOORE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with