^

Pang Movies

Mga suitors, sinusungitan Jennylyn ayaw muna uling magmahal

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi pa handa si  Jennylyn Mercado na pumasok ulit sa panibagong relasyon. Ni hindi nga raw siya nag-e-entertain ng suitors at say niya nang makatsikahan namin siya sa pocket press con for her new series, Rhodora X, sinusungitan daw niya ang lahat ng gustong pumorma sa kanya kaya wala raw makaporma sa kanya talaga.

“Ayoko po talagang mag-entertain ngayon. Masungit ako ngayon,” say niyang natatawa. “’Yung mga nagte-text, dedma! Isnab lang,” dagdag niya.

Paano niya sinusungitan?

“Bihirang-bihira po akong mag-reply. Kung mag-reply man ako, “ok”, ganu’n lang.”

After her break-up with Luis Manzano, mata­tagalan pa raw bago siya pumasok ulit sa isang relasyon dahil aminado naman siyang nasaktan siya talaga.

Pero sa totoo lang, parang hindi ga­ling sa break-up si Jen dahil nang makita namin siya sa presscon, blooming na blooming siya at ang ganda-ganda ng katawan. Take note, ang bewang niya ay 24 inches.

Kaya naman humahanga ang halos lahat sa kanya at sa kanyang katatagan dahil sa rami ng pinagdaanan niyang unos, heto’t nakatayo pa rin siya at pilit na lumalaban.

Pero say ni Jen, kailangan niya talagang maging strong para sa kanyang anak na si Jazz.

Sa ngayon ay medyo okay na raw siya after the break-up.

“Better. Kaysa noong mga nakaraang buwan,” she said.

Naka-move on na ba siya?

“Hindi pa naman. Getting there. Almost,”

Ang ginagawa na lang daw niya para malampasan ang mabigat na stage na ito ng kanyang buhay ay magtrabaho nang magtrabaho.

“Grabe akong magtrabaho ngayon. Saka sunud-sunod din (ang dating ng trabaho) kaya thank you, Lord. Kasi may Anak Ko ‘Yan, tapos mayroon akong cooking show, ‘yung Sarap Family, tapos dumating itong Rhodora X, tapos may Sunday All Stars. May ginagawa rin akong album under GMA Records na ulit,” say niya.

Sa seryeng Rhodora X ay balik-tambalan sila ni Mark Herras na dati niyang boyfriend. When asked kung how does it feel na makakapareha niya ulit ang kanyang first love, say niya, kahit naman daw wala na sila, nanatili naman daw talagang special sa kanya ang aktor.

Alice 30 anyos lang ang hitsura

“I’ve loved and I’ve lost.” Ito ang bonggang linya ni Alice Dixson nang matanong siya sa final presscon ng When the Love is Gone held last Tuesday night kung kelan niya masasabing “the love is gone.”

As we all know, hiwalay na si Alice sa kanyang Canadian-based husband and last year ay nag-file siya ng divorce. Wala silang anak.

Aminado naman siyang she’s dating now pero ayaw niyang i-reveal ang identity ng guy.

Forty-four years old na si Alice pero kung titingnan mo siya ngayon ay para lang siyang nasa early thirties kaya naman hindi kataka-taka kung marami pa rin ang nagnanasa sa kanyang alindog.

Happy si Alice sa takbo ng kanyang career ngayon dahil bukod nga sa pelikulang When the Love is Gone under Viva Films na showing na sa Nov. 27, hindi rin siya nawawalan ng teleserye sa TV5.

Sa ngayon ay napapanood siya sa For Love or Money, weekly series sa TV5 every Thursday kasama si Derek Ramsay and Ritz Azul.

Tonight ay nasa week 6 na ang FLOM at sa pagpapatuloy ng kwento, makakaramdam na ng pagseselos si Roselle (Ritz) kaya kukumprontahin niya ang asawang si Edward (Derek) tungkol kay Kristine (Alice).

 

vuukle comment

ALICE DIXSON

ANAK KO

DEREK RAMSAY AND RITZ AZUL

FOR LOVE

JENNYLYN MERCADO

NIYA

RHODORA X

SIYA

WHEN THE LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with