^

Pang Movies

Mga nasalanta pinaghintay! Aktres nagpaganda muna bago namigay ng relief goods

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Kahit gutom na gutom na ang mga biktima ng bagyo, pinaghintay pa rin sila ng isang artistang mag-aabot ng relief goods.  Matagal nang nakapila ang mga tao, nagpasundo pa sa bayan ang aktres. Pagdating naman doon, matagal pang nagpa-make-up at nagpa-hairdo.

Gusto niya kasi pretty siya sa pag­harap ng camera for the TV coverage ng kanyang pag-aabot ng tulong!

Away nila Derek at Mark lumalalim

Mukhang lumalala ang ‘di pagkakaunawaan nina Derek Ramsay at Mark Herras.

Nakarating kasi kay Mark na hinahanap siya ni Derek. Agaran namang sinasabi niya sa TV5 actor, “nandito lang ako at hindi nagtatago.”

Ngayon naniniwala na kami na si Ynna Asistio ang naging ugat ng kanilang away. Noon kasing kumalat na break na sina Mark at Ynna, pilit tinunton ni Derek ang young actress na serious makatapos ng kanyang college course.

Kung talagang hiwalay na sila Mark at Ynna, wala naman karapatan si Mark na magselos.

Show nila Cristy Fermin, nanganganib?

Minsan nanood kami ng Showbiz Police dahil akala namin wala na roon si Cristy Fermin. Pambungad na item pa siya sa show hosted by Raymond Gutierrez. Kaya lang luma na ang interview with Karla Estrada at napanood na namin ang same story sa kabilang network.

Ito naman kasing si Peter Ledesma balitang tsugi na sa show si Fermin. Nandoon pa pala sa Showbiz Police na manganganib din mawala sa ere, tulad ng ibang ill-fated show ni Fermin sa Kapatid network. Kakabahang muli si Raymond!

Mga kamag-anak ni Jennylyn nagugutom

Nakita na ni Jennylyn Mercado na buhay lahat ang kanyang mga relatives sa Leyte. Kaya lang gutom na gutom na sila at ibig sumugod ng aktres sa nasalantang lugar.

Ano pa ang hinihintay mo? Isang buong TV crew?

Claudine instant denial queen

Ang drama ngayon ni Claudine Barretto, miss na miss niya ang kapatid na si Marjorie. Wish niya lang magkausap sila ng nakatatandang sister. At ngayon pa lang itinatanggi na ni Claudine na hindi totoo kung ano man ang mga nakarating kay Marjorie.

Aba ineng, lumang titulo na ang denial queen!

Cinema One Origina l tunay na ‘family affair’

Tunay na isang family affair ang Cinema One Originals festival awards. Ang tatlong contract artists ng ABS-CBN, lahat nagwagi ng best actor trophy for Night Chills. At least may acting trophy na sina Rayver Cruz, Matteo Guidicelli, at isa pa.

Hanggang ngayon nagwawagi pa ng best actress si Vivian Velez for the movie Bendor. Paniwala naman kami sa kanyang talent.

Cristine makahulugan ang sinabi kay Derek

Makahulugan ang tinuran ni Cristine Reyes na she and Derek tried their best to be lovers! Paano naman kaya? Paki-isplika ng walang boses, Manay Pasing.

Ang naging conclusion ni Cristine, higit na bagay silang maging best friends. No kidding? Bakit naman kaya? Ibulong mo na lang Manay Letty.

Instant Mommy ni Eugene kasali sa dubai international filmfest

Ipalalabas sa Dubai International Filmfest ang Instant Mommy na bida si Eugene Domingo at Rico Puno, Jr.

Sanay na sa mga chicks ang Dubai, kaya’t maniniwala kami, kapag sinabi nilang beautiful si Uge!

Marian nagmamalasakit lang

Ang aming quote of the week, from Marian Rivera tungkol sa pagtulong sa mga biktima ng bagyo: “Walang malaki, walang maliit kapag nagbigay ng tulong. Ang mahalaga ay malasakit!”

 

vuukle comment

CENTER

CINEMA ONE ORIGINA

CRISTY FERMIN

DEREK

INSTANT MOMMY

SHOWBIZ POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with