^

Pang Movies

Maglilibot lang daw sa mga binagyo Korina no comment kay Anderson, wala ring sinabi kung suspended o pinagbakasyon

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Walang sinabi si Mama Korina Sanchez kung suspended o nagbabakasyon siya. Basta ang paliwanag niya, busy siya sa taping ng Rated K sa Western Visayas. Pinuntahan ni Mama Koring ang lahat ng lugar na sinalanta ng Typhoon Yolanda at mapapanood daw ito sa kanyang Sunday show sa ABS-CBN.

No comment si Mama Korina tungkol sa maingay na isyu tungkol sa kanilang dalawa ni Papa Anderson Cooper. Ni hindi nga niya binanggit ang name ng CNN news anchor na nag-dialogue na hindi nito kilala si Mama Koring.

Ang say ni Mama Koring, nagsalita siya sa kanyang radio program kahapon para matapos na ang mga speculation. Kumalat kasi ang tsismis na kesyo suspendido si Mama Koring ng ABS-CBN, kesyo pinagbakasyon siya dahil sa mga batikos niya kay Papa Anderson.

Paulit-ulit na ipinakita sa CNN ang report at paliwanag ni Papa Anderson tungkol sa isyu at with matching video and photo ni Mama Koring. In fairness, ang ganda-ganda ni Mama Koring sa picture na ginamit ng CNN.

Anderson Cooper na-in love na sa mga Pinoy

Nakabalik na si Papa Anderson Cooper sa Amerika dahil nasa studio na siya ng CNN nang panoorin ko kahapon ang kanyang show na AC360.

May mga report pa rin si Papa Anderson at ang CNN tungkol sa nagaganap na rescue and relief operation sa Tacloban City, Leyte.

Mukhang na-in love talaga si Papa Anderson sa mga Pinoy dahil kahit nasa malayong lugar na siya, positive pa rin ang mga sinasabi niya tungkol sa mga tao na kanyang nakasalamuha.

Bilib na bilib si Papa Anderson sa strength na ipina­kita ng mga Pinoy na nakatikim ng bagsik at mga hagupit ng Typhoon Yolanda/Haiyan.

Ryan hindi na nanaba matapos ma-dengue

Original ang concept ng Picture Picture ang bagong game show ni Ryan Agoncillo sa GMA 7.

Sa Nov. 23 ang airing ng Picture Picture at makakatapat nito ang show ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN, ang Bet on Your Baby.

Hindi isyu sa mag-asawang Ryan at Judy Ann ang pagtatapat ng kanilang mga programa. Mas mahalaga para sa kanila ang intrega, hindi ang intriga.

Enjoy na enjoy si Ryan sa concept ng Picture Picture. Hoping siya na magtatagal sa ere ang kanyang game show na limpak-limpak na kadatungan ang ipamimigay sa lucky contestants.

Naglaro ang mga reporter sa Picture Picture sa presscon nito noong Lunes. Nagustuhan ng mga reporter ang concept ng show, lalo na ang mga sumali sa laro dahil hindi sila umuwi nang luhaan.

Napansin ng mga reporter ang payat na katawan ni Ryan sa presscon ng kanyang bagong Kapuso show. Hindi na nagpataba si Ryan mula nang dapuan siya ng dengue. Na-maintain niya ang slim na pangangatawan na bumagay sa kanya dahil lalo siyang nagmukhang bagets.

Hulog Ka ng Langit, dedicated kay Nate

Dedicated ni Regine Velasquez sa kanyang anak na si Nate ang bagong album niya, ang Hulog Ka ng Langit.

Dedicated naman niya sa mga biktima at survivors ng Typhoon Yolanda ang cover version niya ng Tomorrow.

Gaya ng maraming Pilipino, nagbigay ng donasyon si Regine sa mga nasalanta ni Yolanda. Nagpa-auction din siya ng mga personal na gamit at pinakamahal ang kanyang Hermes bag na halos kalahating milyong piso ang presyo.

vuukle comment

ANDERSON

HULOG KA

MAMA KORING

PAPA ANDERSON

PICTURE

PICTURE PICTURE

RYAN

SIYA

TYPHOON YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with